Chapter 11 - I won't let you goGabriel’s POV
“If the perfect shoes hurt, you will need shoe aids right? You will need a band aid para sa paltos mo.” Sa lahat ng sinabi sa akin ni Love kanina dun sa shoe salon, eto ang pinakatumatak sa puso ko. Band-aid. Kung may sugat ka nandiyan ang band-aid upang takpan ang sugat mo. Siguro dahil na din sa sinabi sa akin ni Love kanina, nagmadali na din akong tumakbo papalayo sa kanya upang hanapin ang babaeng nangangailangan ng isang band-aid. Hanapin yung babaeng sobrang nasasaktan ngayon. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, pero nagpatuloy parin ako sa paghahanap sa kanya dahil kailangan niya ako at nagiisa siya ngayon. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya dahil pag nagkataon baka hindi ko na alam ang gagawin ko sa taong nanakit sa kanya. Pero ngayon alam ko kung nasan na siya, dahil tuwing nasasaktan siya gusto niya makalimot. Gusto niyang limutin ang sakit. At isa lang naman ang lugar kung saan ka pwedeng makalimot, sa bar. Dahil dalawang beses ko na siyang nakita sa bar, at tuwing nakikita ko siya dun alam kong nasasaktan siya sa mga oras na yun, kaya ngayon alam ko kung saan siya hahanapin. Why is that I can always find her? And I was right, she was there drinking, you can see pain just by seeing her like that. Why did it have to be this way? Why did he need to hurt her? Naglakad ako papalapit sa kanya, ang dami na niya naiinom, ilang oras na ba siya nandito, she was about to drink the glass but I took it from her. Galit ako hindi sa kanya kundi sa taong nanakit sa kanya pati sa sarili ko. Bakit ko siya pinabayaan. Tinignan niya ako at nagulat ata siya dahil ako yung nandito. “Diba sabi ko wag kang iinom?” I asked furiously. Niyakap lang niya ako “Gab akala ko mawawala ka na din sa akin” she said while still hugging me “Gab sorry hindi ako nakinig eto ngayon nasasaktan ako. Gab napakasakit na.” nasasaktan nga siya at kasalanan ko din kung bakit dahil pinabayaan ko siya dahil akala ko magiging masaya siya. I patted her back “Shh… sorry nawala ako sa tabi mo. I should have not stayed away. Sorry. Tara na I’ll bring you home.” Tumayo na siya at pinunasan ko yung mga luha niya, ayaw ko siyang nakikitang umiiyak dahil nasasaktan din ako, inayos ko yung buhok niya, napakagulo na din kasi, and I kissed her on her forehead. At we went out. Hindi ko siya dinala sa bahay nila alam ko naman na ayaw niyang umuwi kaya I brought her to my condo. Umupo lang siya sa couch ko at ako naman ay pumunta sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Pumunta na din ako sa tabi niya at binigay yung kape, I didn’t dare ask what happened dahil baka masaktan lang siya lalo. All I want to do is to be by her side and let her cry on my shoulder. “He cheated on me.” I was surprised when she finally spoke. Hindi dahil nagkwento siya it’s because of what she just revealed. Pero hindi ako nagsalita muna “I was so happy that morning kasi we’re going to celebrate our first monthsary tomorrow. So I decided to buy him a gift para masurprise ko siya bukas but I was the one who was surprised. I saw him kissing another girl.” Her voiced broke. “Bakit ganun? Mahal daw niya si Alyssa na it will always be Alyssa pero bakit siya nag cheat sa akin? He said I made him feel suffocated. Kaya siguro naghanap siya ng iba, I tried very hard to help him forget her kahit nahihirapan ako ginawa ko ang lahat pero in the end, nasaktan lang ako, in the end hindi niya ako kayang mahalin. Hindi ko siya kayang gawing masaya.” Sumandal siya sa akin at umiyak na siya. “Mahal na mahal ko siya pero bakit kailangan niya akong saktan ng ganito?” Grabeng sakit ang nadulot ni James kay Mary, bakit siya ganun? Nagagalit ako. Naiinis ako kasi hindi ko nagawang protektahan si Mary dapat pala kinausap ko dati si James. Dapat pala hindi ko siya hinayaang pumunta kay James. Kung alam ko lang na magkakaganito si Mary kung alam ko lang na masasaktan siya edi dapat pala pinigilan ko siya. “He’s not worth of your tears Mary. Hindi mo kasalanan na hindi niya naramdaman kung gaano kasaya kapag kasama ka. Kasi wala naman siyang inisip kundi si Alyssa. Wag ka ng umiyak please?” I tried to comfort her. “Ayun nga yun Gab eh. Si Alyssa ang mahal niya pero bakit kailangan niya akong lokohin? Pagod na pagod na akong masaktan.” Sabi niya at sumandal na siya sa akin. We were like that for 30 minutes I think. Nakasandal lang siya habang umiiyak siya sa akin. Kung pwede lang, ginawa ko na yung gusto ko. Ang sabihin sa kanya na mahal ko siya at ako nalang. Hindi pa siguro ito yung tamang panahon para sabihin yung nararamdaman ko para sa kanya. Band Aid ako ngayon. After that nagpunta kami sa kusina para kumain, medyo ok na naman siya siguro nga sanay na din siyang nasasaktan siya ng ganito. Ngumingiti na siya. Pumunta siya sa may ref at kinuha yung coke tas pinabuksan niya sa akin at ayun inalog pala niya kaya natapunan ako ng coke. Tawa siya ng tawa nun. Ok na kahit malagkit na ako basta masaya siya. Kaya ginawa ko binuhusan ko din siya ng coke “Ahhh ang lagkit.” Naglaro lang kami dun at kinuha niya yung maliit na hose sa may sink at binasa ako ng tubig. Tawa kami ng tawa habang nagbabasaan kami. Masaya siya tumatawa na siya ulit. Ayun ang mahalaga diba? After nun pinaligo ko muna siya, tas kinuha ko yung ice cream sa may ref alam ko naman na gusto niyang kumain ng ice cream. Nilapag ko yun sa may center table at sakto kakatapos lang niya mag shower. “Uwaa ice cream.” Sabi niya at lumapit sa center table at kinuha yung spoon at kumain na siya “Gusto mo? Maligo ka muna.” So ayun naligo muna ako at pagbalik ko ubos na niya yung ice cream. “Bili pa tayo?” tanong niya kaya naman lumapit ako sa kanya at ginulo ko yung buhok niya. Tumawa lang siya “Dito ka lang bibili ako ng ice cream mo.” Sabi ko at naglakad papalayo sa kanya nagulat nalang ako kasi niyakap niya ako. “Gab thank you so much. Sana hindi mo din ako iwan.” Sabi niya kaya hinarap ko siya sa akin “Promise I won’t ever leave you.” I assured her I won’t let you go. “Promise?” tumingin siya sa akin nag smile nalang ako “Hindi ka masu-suffocate sa akin?” The heck. Bakit ba kasi sinabi yun ni James? Hindi ba talaga siya makahinga pag nandiyan si Mary? Napakasarap kaya sa feeling pag kasama siya. “Hinding hindi.” I looked at her and she smiled at me. “I will always be by your side Mary.” Niyakap lang niya ulit ako “That’s why I’m glad I met you.” sabi niya ako din masaya ako at nakilala ko siya kasi kahit pa may mahal siyang iba basta kasama ko siya masaya na ako. Pero I decided not to let that James near her again. Ayoko na siyang masaktan pa. Hindi deserving si James para sa puso niya. Ang sarap sa feeling na kayakap mo yung taong mahal mo. I really wish that holding her like this can heal her broken heart kasi pag ou edi hindi ko na siya bibitawan. James bulag na bulag ka dahil hindi mo nakikita na etong babaeng to ang pinakamasarap mahalin at madali. Who would have thought na sa loob ng tatlong buwan I’m undeniably madly in love with her. Kaya tonight I really promise that I won’t let her go anymore. Kahit pa maging best friend lang niya ako ok lang basta nasa tabi niya ako at maprotektahan ko siya. “I’m glad that you asked to borrow my phone that night.” I said. tama ng dahil sa panghiram niya ng cellphone ko siya nakilala. Ou kilala ko sila nila Love at Jewel as Love’s accomplice sa pagiis-stalk sa akin. But I got to know her and I’ve fallen deeply for her. “If the shoe fits does it always mean it’s perfect?”naalala ko na naman si Love. Yung mga metaphor niya talaga. Pero tama siya dahil kahit pa mag fit ang shoe sayo kung hindi naman perfect bakit pa? “Haha. And you haven’t answered me kung bakit wallpaper mo si Alyssa.” Bigla niyang sinabi sa akin. Oh right I remember she asked me bakit si Alyssa hindi ko siya nasagot siguro kasi ayaw ko ng makidagdag pa sa mga lalaking nainlove kay Alyssa. But the thing is I don't know kung na-in love ba talaga ako kay Alyssa or great infatuation lang yung naramdaman ko kasi ibang iba ngayon kay Mary eh. Yung feelings iba. Siguro nga I did have some feelings but siguro mas tumaas yung brotherly love ko para sa kanya. At ngayon hindi ko alam kung anong masasagot ko kay Mary, I don’t want her to know that I was in love with her cousin dahil alam kong kahit hindi niya sabihin na na-iinsecure siya kay Alyssa dahil nga kay James. Ayoko naman na sabihin yun sa kanya. “Wala lang masama ba?” I said “She’s like my little sister kaya siya wallpaper ko nun but iba na tignan mo ikaw na wallpaper ko.” I smiled. Siya naman talaga ang wallpaper ko eh. “Gab thank you for finding me.” “I will always be the one who will find you first Mary.” I said “I love you.” Wait what did I just confess? “I love you too Gab.” Yeah She misunderstood it. Sana Mary dumating yung araw na hindi lang haggang kaibigan yung pagmamahal mo sa akin sana ako nalang sa huli Mary, sana kaya mo akong mahalin dahil hihintayin kita. Hinding hindi kita sasaktan. Promise you that. |
|
Chapter 12 - Two D's (Debut and Disaster)
|
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.