Chapter 11 - I care for YouIt’s summer vacation and I am hoping that this will be a great summer.
Kim graduated from high school pero hindi siya ang Class Valedictorian diba kasi he was disqualified to be in the top? Pero that didn’t stop him from getting every awards there is. Hanga ako sa kanya dahil even though hindi siya ang CV mas mataas naman ang General Average niya dun sa Valedictorian nila kaya dahil dun binigyan siya ng award na Most Outstanding Student at nahakot niya halos lahat ng awards talaga, dun ko lang din nalaman na he’s really a gifted child, because may photographic memory pala siya kaya ganun nalang siya. He invited me sa graduation ball nila, and masasabi ko lang wow! Talagang ball gown at tux ang mga damit nila parang prom lang pero sabi ni Karl sa akin eto daw yung most awaited event sa school at hindi prom dahil dun daw malalaman yung mga title na maiiwan sa kanila. I met Angel there. Maganda nga siya at mataray! Sweet nila ni Kim kaya nakakainis lang, kasi sila talaga ang couple sa school nila, they won the Campus Sweethearts, Campus Heartthrobs naman sila Karl at Kim pero Kim won the Campus King. Sikat na sikat pala sila. Anyway, maayos kami ni Kim, kahit pa dumating si Ash sa buhay ko ulit, hindi nag give up si Kim sabi pa nga niya “I won’t give up on you because that only means that my love for you is not enough to fight for you.” oh diba napaka niya. So ayun nagtetext parin nga kami ni Ash pero hindi ko naman siya nakakasama dahil na din busy ako sa pagaaral kahit medyo ayaw kong magaral ako ay nagaaral and Kim’s helping me, kailangan ko kasing mag submit ng isang short story sa school diadem namin, required siya for all those top students na hindi sumama sa summer camp, eh sympre I don’t like summer camp kaya mas pipiliin ko nalnag tong short story right? So far maayos pa ang summer vacation ko I mean it’s been two weeks palang naman eh. Andito ako ngayon sa bahay nila Papa dahil wala ang mga elders, may reunion kasi sila sa Subic at hindi kami sumama dahil boring.. and so we own the house for ourselves for like two weeks at ang napakasayang part pa eh, they left me in charge that means hawak ko ang credit cards at wala ang kuya ko to be a buzz kill dahil he went to El Nido with his high school friends. 11 pm na pero hindi pa rin ako tulog kasi I feel something will happen tonight, kaya nga nagaabang ako dito ngayon sa likod ng pinto ko. Feel ko talaga kasi may mangyayari ngayon sa mga kilos palang ni Karl kanina eh. May narinig akong nagbusina kaya dahan dahan kong binuksan yung pinto at nakita ko si Karl na pababa na kaya dahan dahan din akong sumunod sa kanya, binuksan niya yung gate pero nakatayo pa siya sa may bar at nagaayos nung gamit niya, wow ah san kaya siya pupunta may suot kasi siyang leather jacket at nasa bar yung helmet niya. At pumasok si Kim! “Let’s go?” Kim said to Karl at nag nod naman si Karl, kaya nagmadali akong pumunta sa may pinto, nagulat sila sa akin. “Saan kayo pupunta? At bakit ganyan ang suot niyo?” pangiintriga ko sa kanila, they are both wearing leather jackets at leather pants, napakasexy nila. But I do feel something, nakwento na to ni Yannie sa akin dati eh. “May party lang kaming pupuntahan, tulog ka na.” sabi sa akin ni Karl. Party ganitong oras? “Hindi. Bumalik ka sa kwarto mo Karl, hindi ka aalis.” Sabi ko tama nga ako aalis sila eto yung isa sa kwento ni Yannie, tuwing gabi minsan si Karl umaalis at nakikipag race. “Hindi kita papakainin for two weeks pag umalis ka.” I said “But….” I smiled mischievously “But isama niyo ako.” “What?” / “No.” sabay pa nilang pag tanggi. “Edi bahala kayo. Ikaw Karl walang kakainin at ikaw Kim basted ka na.” I smiled. Nagkatinginan silang dalawa. “Osige sige. Bato bato pick nalang tayo Mary, pag nanalo ako aalis na kami ni Kim ok ba?” Binatukan ko nga si Karl “Peste ka Karl. Ano deal or no deal?” “Alright but in one condition, you will stay with our friends and you won’t stand in front, stay at the back.” Kim said. I nodded see I won, nag sigh si Karl, at lumabas na kaming tatlo, nakita kong papunta si Karl sa garage kaya sumunod ako sympre sasakay ako sa Ducati niya haha. Kinuha ko na yung isang helmet sa may table pasakay na ako nang biglang hinarang ni Karl yung kamay niya sa katawan ko. “Hep. Dun ka kay Kim sasakay.” He said. napaka. Karl's so overprotective. -_____- So lumabas na ako ng bahay at nakita kong nakasakay na si Kim sa kanyang new black Ferrari, regalo sa kanya nang parents niya. Sandali lang yung byahe papunta sa may daang hari, eto kasi yung magandang pagdausan ng ganitong event, walang masyadong gumagamit ng daan dito, kasi yung ibang part hindi pa gawa. Medyo madaming tao, pero mga teens lang din na mukhang mayayaman din. Hindi pa kami bumababa ni Kim kaya tumingin ako sa kanya. “Kasali ka ba diyan?” I asked him “Yes.” He said. “How much?” alam ko naman na may pustahan dito eh pero hindi ko alam kung magkano, eto yung tinatawag nilang illegal drag racing. “150 thousand but if I win I’ll get 450 thousand.” Ang laki so meaning nagaaksaya sila ng pera para lang dito? 150 k ang pinusta niya? Super laki nun mayayaman talaga. Saan siya nakakuha ng 150? “Si Karl?” tanong ko sympre pinsan ko yun eh. “50 thousand and if he win triple.” So si Karl ang mura lang ng pusta niya dahil ba motor lang? Pera saan nakakuha ng pera si Karl? Ang yaman ng batang yun eh. Bumaba na kami ni Kim at naglakad kaming dalawa papunta dun sa may mga tao, nakita ko yung mga barkada ni Kim. “Gelo watch her ok?” he instructed yung guy na naka-black na polo. So ayun naunang mag laro si Karl, 6 motorbikes yung mga kasali at natatakot ako para kay Karl motor kasi yun eh mas delikado diba? Yung daang hari ay napakahaba so mga 3 km yung itatakbo nila. At ayun nga I watched together with their friends nandun din si Angel, Kim was nowhere to be found sabi ni Gelo, baka daw inaayos yung kotse niya or baka. Karl didn't win first place but only second, mabilis yung kalaban niya din eh, kunti lang yung agwat pero sympre nagiingat si Karl, safety first sympre. Nag-apiran sila at inakbayan ako ni Karl. “Galing ko no?” bilib na bilib siya sa sarili niya. Pinalo ko yung didbdib niya “Balato ah.” “80 thousand lang e.” sabi niya “Pero sympre ipagshoshopping kita bukas.” He smiled at me “Si Kim na, watch him maiinlove ka sa best friend ko.” Pagyayabang niya. Sa kotse dalawa lang yung maglalaban, yung unang kotse ay isang Z3, naghihiyawan yung tao at lumabas yung lalaki sa loob ng kotse, nakasuot siya ng helmet sympre, nung tinanggal niya aba ang gwapo ni Kuya Z3, as in gwapo, matangkad, maputi, at build yung katawan niya. Paano pa kaya sa malapitan diba? Pero hindi niya ito istorya dahil hindi ko naman siya kilala. Hahaha Tas si Kim naman, naghiyawan din yung mga tao at lumabas si Kim at si Angel na galing naman talaga sa impyerno at pumunta sa kanya at inabot yung helmet niya, aba aba, yung mga tao nag ayiee epal! Nag kiss pa si Angel sa cheeks ni Kim. Pwe… And with one bang nagumpisa na ang race, nangunguna yung si Kuya Z3 dahil medyo mabagal si Kim, ano ba yun bakit ang bagal bagal niya nakakainis! Tas within 10 seconds biglang tumulin yung takbo ni Kim at naabutan na niya si Kuya Z3, pag nagaabot sila laging hihinto si Kim at papaunahin yung si Kuya Z3 pero lagi niya din makukuha yung pace at in the end he won. Ang galing galing ni Kim, kala mo expert pwede na siya sa F1 race napakagaling grabe unbelievable. Sympre inunahan ko na si Angel pumunta kay Kim at nung lumabas siya nakangiti ang loko at inakbayan niya ako, yung mga tao todo sigaw ang mga todo, si Kim naman ayun feeler, nag wawave pa siya kasama yung helmet niya habang nakaakbay sa akin. “Good job Mr. Montenegro.” I said. “Everyone party at my house!” sigaw niya at isa isang umalis yung tao, ganun din kami ang yaman ni Kim, ang dami kong libre bukas nito! Napansin kong hindi kami sa bahay nila pupunta “Kala ko ba sa bahay niyo?” I asked. “We’re going to our other house, no one lives there.” Sabi niya. At ayun nga nasa bahay nila kami sa Alabang, napakalaki din ng bahay nila, sympre super yaman nila eh kaya I don’t see why kailangan niyang makipag race pa kung mayaman na din naman sila. Halatang pinaghandaan yung party kasi may mga foods na. Almost everyone nga nandito ngayon, mga mayayaman talaga. Nagpunta kami ni Kim sa garage nila, at wow ang daming kotse lang, mga mamahalin ang lahat. “Every car here has its own story to tell. For example this red bmw is a gift from mom when I won our declamation contest.” He smiled para bang inaalala niya. Sabi niya din na lahat daw yun bigay ng parents niya, spoiled talaga sila pero sabi niya lang ayun daw yung way ng parents niya para mag make up sa lahat ng oras na wala sila sa tabi nilang magkapatid. “Kim last na tong drag race na to ah? Wala na ulit ah.” Sabi ko sa kanya. natatakot kasi ako para sa kanya eh “Why? I love racing.” “Because I don’t like being worried every night thinking that baka may race ka at maaksidente ka.” I said at namilog yung mata ni Kim. “And why don’t you like being worried?” he smiled “Because I care for you Kim.” Nagulat nalang ako dahil hinatak niya ako at niyakap niya ako “For you I will stop. But promise me you’ll always be a fan of me.” Pinalo ko lang yung likod niya “Good. No more ok? At lalayo ka na din kay Angel.” “Ok. I love you Mary.” He said. And I smiled at that moment. Because I know I have Kim’s heart and he won’t ever leave me, it’s a good thing he didn’t give up on me cause I will definitely miss him and I might regret choosing Ash over him. Pero hindi ko pa kailangan mamili ngayon dahil Kim said he’ll wait ganun din si Ash, I just need more time to think about it. But for today I will just think of having fun with Kim. |
Chapter 12 - My Hot PandesalAwkward.
Ayan yung nararamdaman ko ngayon dito. By the way nandito ako ngayon sa bahay ni papa kasama ko si mama. Kaya ko nasabi na awkward ay dahil na din nandito nga si mama, yung biological kong nanay at ang step mom ko nasa isang room. Ok I know maayos naman silang dalawa civil sila at nagkasama na sila sa ilang parties pero iba parin eh, napaka-awkward tuwing naaalala ko yung childhood memories ko na tumatawag sa bahay namin si mama number 2 (step mom) at dati daw nagaaway daw talaga yung dalawa. Bitterness. Nararamdaman ko din ngayon yun dahil alam kong bitter ang nanay ko sa isa ko pang nanay at ganun din si isang nanay. Bitter silang parehas. Una dahil si mama number 2 iniwan ni papa para kay mama number 1 (biological mom) dati at pinakasalan niya ang bio mom ko. Sino nga ba naman ang hindi magiging bitter diba? May 5 kayong anak tas iiwanan ka nalang bigla bigla para makasama ang childhood sweetheart niya? For me sweet yun sympre nanay ko yung pinili niya at nabuo ako pero ouch lang din kasi second family lang kami. Minsan naiisip ko yung mga iniisip ng iba tungkol sa pamilya namin. Basta. Pangalawa naman naghiwalay si mama at papa dahil sa isang napakalaking misunderstanding na nagkaroon sila at binalikan ni papa ang una niyang asawa. First year ako nung na annulled ang kasal ni papa kay mama at nung pinagtatalunan ang custody namin ng kuya ko, my mom got a full custody at si papa may visitation rights lang kasi nga bitter ang nanay ko. Anyway enough about sa epic fail na love story ng mga magulang ko. Kwento ko to hindi nila. Kaya nandito kami ngayon ni mama sa bahay nila papa ay dahil sa naganap na world war three sa bahay kahapon. At ang kuya ko si Hitler at pinapatay niya ang mga Jews na ako naman. Anyway, ayun nga nagaway kami ng kuya ko, binugbog niya ako, I mean it. Kulang nalang patayin niya ako kahapon kaya nga iyak ako ng iyak kay mama eh, kung makikita niyo lang yung bahay namin nagkalat dahil sa paghahagisan na naganap sa aming bahay, pati mga katulong walang nagawa kaya tinawagan si mama at dumating si ate kaya tumigil ang world war three at si mama naman din dumating na, iyak lang ako ng iyak. May saltik po kasi ang kuya ko. Lagi nalang nangyayari yung world war sa bahay pero malala yung kahapon nagkasugat kaya ako kasi natamaan ako ng vase, sigaw ko pa nga nun papabantay bata ko siya eh haha. Anyway mom called a therapist ayaw ni kuya mag pa-check dahil ewan sa saltik na yun. Basta ni-recommend ng therapist na paghiwalayin kami ni kuya. Dapat kasi nung may custody battle, tig isa nalang sila ng anak. -___- tuloy lagi akong umiiyak sa bahay. Gusto ni mama actually na si kuya dito kay papa kasi nga may pasok ako para dun sa short story ko at sa mga gagawin ko dahil school volunteer ako pero sympre ang masusunod ay ang kuya kaya eto ako ngayon nandito kay papa. Actually mas gusto ko naman talaga tumira kay papa eh, dati palang nag wiwish na ako na sana isama ako ni papa. Nung iniwan niya kami nung gabing yon, iyak ako ng iyak kasi hindi niya ako sinama bata ko pa nun mga grade 4 or 3 ata yun. At nung sa custody battle nga, I did wish na kay papa kaso hindi pa naman ako pwede pumili eh. At ngayon ang problema ay dahil aalis sila papa at walang maiiwan sa bahay, nag book kasi sila papa ng Caribbean trip kasama ang mga kapatid ni papa. “Ganito nalang I’ll book you a ticket cha at sumunod ka nalang.” Sabi ni mama number 2. Nag glow ang mga mata ko. Sympre Caribbean yun! Wow… “Mag isa siya sa plane paano pag may nangyari pa. Wag nalang dun nalang siya sa bahay isasama ko nalang siya lagi para hindi sila mag krus ng landas.” Sabi ng aking KJ na nanay. Kahit kalian kj porket mag babakasyon ako sa ibang bansa pshhh… inggit kasi haha. “Diba nga sabi ng therapist wag silang pagsamahin sa iisang bubong?” si mama. I can see the tension at si papa cool lang at nagiisip. Biglang may nag door bell kaya napatingin kami lahat sa may bintana, tumayo si papa at binuksan yung gate, nagulat ako kasi yung tita ni Kim at si Kim at si Sam ay nandito sa bahay namin. “Ian anong ginagawa niyo dito?” tanong ng nanay ko. See gaya gaya maka –Ian “May lakad ba kayo ni cha?” si mama “Elise buti at dumating na kayo.” Sabi ni papa so ininvite niya. “Since naman na mawawala kami dito at sabi nga ng therapist pag hiwalayin yung dalawa I decided na makikitira muna si Mary kayla Elise.” O_________O – kami at ng dalawa kong nanay / ^_______________^ - sila kim “They’re going to live in one house?” si mama “Yes I trust Kim. Hindi naman pwedeng sumama si Mary sa trip natin dahil may mga school works pa siya. It’s a good thing to let Mary spend summer with Kim, so matuturuan pa siya ni Kim.” Si papa. “So it’s settled then.” Si tita Elise. “Wait are you really sure about this? That’s your daughter.” Si nanay. Nag nod si papa at so yung dalawa natalo na at bigla nalang akong niyakap ni Tita Elise “We’re going to have so much fun.” Sabi niya “Wait dahil ako ang titira may condition ako.” Nag smile ako na pinagtaka nila. Ou nga naman makikitira nalang may condition pa napaka ko naman pero sympre “What is it?” si Kim naman ang sumagot. Nag smile lang ako “You’ll speak in Tagalog.” Lahat sila nagulat haha sympre nakaka-nose bleed kasama si Kim. “What no way.” I crossed my arms at umupo sa sofa “Ok. Ma uwi na tayo, makikipag away nalang ako kay kuya kahit ikamatay ko pa yun.” Drama ko. “Tas tatawag ang bantay bata at kukunin na nila ako at ilalayo. Dahil sobrang bugbog na ang naabot ko.” Natawa naman sila papa sa akin at ang nanay ko pinalo ako sa likod kasi nga nagiinarte na naman ako. Nag sigh si Kim “Ok fine.” “Ano yun?” “Sige.” Hahaha tumawa ng malakas si Tita Elise. “Under na under talaga tong lalaking to hahahahaha.” Yehey. Ang saya. Makakasama ko sa buong summer ko si Kim at ang pamilya niya yehey just yehey… ayyyy buhay. Why so cruel kahapon lang nagkaworld war three ngayon naman eto na? So dahil nag decide na sila, eto ako ngayon sa bahay nila Kim, si Kim ayun dala dala ang maleta ko sympre dapat sosyal ang paglalayas ko diba? Tinour nila ako sa bahay, nag hi muna ako kay oba-sama at nag tour na kami ni Kim, nilibot muna namin ang first floor nila , tas ang second floor tas ang third. Tas nandito kami ngayon sa loob ng kwarto niya, di halatang lalaki ang natutulog dito haha.. kasi sobrang linis eh, yung kwarto kaya ng kuya ko sobrang dumi kala mo nagka-bagyo kahit araw araw naman nililinis. Eto super linis talaga eh organized. Umupo muna ako sa couch at binuksan ang tv sympre feel at home ako eh. Umupo din si Kim sa tabi ko “Is your….” Tinignan ko siya ng masama “Ayos lang ba ang sugat mo?” tanong niya. Nag smile lang ako “Yup.” “Pag sinaktan ka pa niya, lagot na siya sa akin.” Pagbabanta niya, hay ibang iba ang English Kim sa Tagalog Kim kala mo nagbibiro lang ang kausap mo haha. Pero touch ako, ganun din si Karl kagbi eh, hysterical nga yun kagabi eh, galit na galit minsan I wished na siya nalang sana ang kuya ko. “Dito ba ako matutulog?” pagtatanong ko. Tumawa si Kim “No.” sabi niya “Don’t worry when we get married we’ll sleep at the same room.” Sabi niya at pinat ang ulo ko na para bang aso ako. Ano ang ini-imply niya? Na gusto kong matulog kasama siya? Napatayo ako “Dalhin mo na nga ako sa kwarto ko.” Sabi ko. Lumabas kami at dinala niya ako sa isang kwarto kapatat ng kwarto niya. Pag bukas namangha ako ang ganda kasi eh. Kuha yung veranda view maganda kaya ang garden nila Kim. “Ito dapat ang kwarto ni Sam but she didn’t like having a veranda because it scares her.” Sabi niya. Inayos ko muna ang mga gamit ko at bumaba nadin ako at nakipag laro kay Sam, si Tita Elise ayun nagluluto, mamaya daw ay may cooking lesson kami, si Kim ayun nasa may grand piano nila ou sila na meron. Nakatitig lang sa amin ni Sam. “Play me a song.” Utos ko. Nag start si Kim mag tugtog, canon. Napakagaling talaga ni Kim dahil talented talaga ang lalaki. Haha. “Onee-sama let’s go swimming.” Pagaaya ni Sam. “It’s hot. You’ll be tan if you swim.” Sabi ko. “Please?” hay bata nga naman. “Shizuka wa itazurade wanai ka” pagsasabi ni Kim (Shizuka don’t be naughty) “Watashi wa oyogitai, shite kudasai oni-sama” sabi ni Sam (Gusto kong mag swimming please kuya) “Ato.” Sagot ni Kim (Later) Ok. Mukhang maoop talaga ako dito. Pumunta na kami sa dining room at nakitang madaming niluto si tita. Kumain na kami at after that nagpahinga at si Tita na ang nagyayang mag swimming kami, sayang daw ang pool kung hindi gagamitin. Buti nalang prepared ako at may dala akong swimsuit haha. Sympre pinatungan ko ng t-shirt na kinuha ko pa sa kwarto ni Kim. Masaya naman pala talaga eh one day palang at enjoy na ako. Naglalaro lang kami ni Sam sa gilid ng pool habang si Tita ay ayun nagsusun-bathing si Kim? Nag order ng pizza. At nung after niya mag order nag punta na siya sa may back yard at hinubad niya yung t shirt niya napa-gulp ako. Ang gwapo ni Kim may abs pala talaga siya hindi siya nagbibiro may mga pandesal nga siya! “Hey that’s my shirt.” Sabi niya at lumapit sa pool. OMG lang napa-tayo ako ang hot ni Kim. “But it looks good on you.” bigla niyang sabi at tinulak ako sa pool pero kasama siya. Nalubog kami sa pool at oh my libreng hawak ng mga pandesal. Ok I think I’m gonna enjoy my summer vacation kung may ganitong pandesal naman eh, mapagtyatyagaan ko na din hahaha. |
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.