Chapter 13 - Someday, MaybeGrabe si Kim, epal siya masyado. Ang dami kong nainom na tubig mula sa pool. Kainis grabe pero grabe lang din ang katawan ni Kim, build na build. Grabe talaga. Wait ang hilig ko ata sa grabe kasi naman eh grabe talaga ang katawan. Ang mga pansesal.
Eto kami ngayon ni Kim, nasa may gilid ng pool kumakain ng pizza at kung ano ano pa. Topless parin siya. At busog na busog na ako. Enough na nga sa katawan ni Kim. Mukha na akong ma-green eh. Kain lang kami ni Kim, tas si Tita naman ayun nasa loob may kausap sa phone, si Sam naman nasa pool nagsusun-bathing, nakahiga siya dun sa parang airbed at si Kim hawak hawak yung tali nun para pag ayaw na ni Sam hahatakin nalang niya, hindi naman delikado kahit pa nasa gitna si Sam kasi may harang yung kama at may vest din dun at basta si Sam pa, masunurin bata niyan. “Diba Tita said pwede ka naman sa bahay niyo nalang sasama ka nalang niya?” sabi ni Kim, tagalog na tagalog kasi kanina English ng English kaya nag drama akong aalis ako. Ayan nagtatagalog na kaso natatawa talaga ako sa kanya eh. Pinipilit niya talaga. Mukha siyang hindi seryoso haha. “Ayaw mo ako dito?” I said teasingly. “At isa pa mas gusto ko naman talaga kay papa tumira ngayon summer kung hindi lang sila aalis eh.” I said to him “Sa bahay kasi ni papa, ramdam ko yung warm ng family.” I smiled at him. “Can’t you feel it at your own home?” he asked me. “No.” sabi ko “Nakapunta ka naman sa bahay diba? Ang spacious niya pero ang kunti ng taong nakatira. Buti nga dumagdag yung isa ko pang kuya sa bahay eh, kasi dati kami lang ni kuya nakatira dun kasama yung mga katulong, si mama never naman umuwi yun eh.” Sabi ko pa “Sa bahay kasi ni papa sabay sabay kaming kumakain. I never experienced that sa bahay ni mama. Ever since papa left mom, we never eat at the dining table, dinadala nalang ni yaya yung pagkain sa room. Nakalimutan ko na nga ang last kain ko dun sa table na yun eh.” Uminom muna ako ng coke ko “Sa totoo lang nakakalungkot sa bahay namin, walang kausap palagi. Kaya nga minsan matutuwa pa ako pag magaaway kami ni kuya eh kasi umuuwi si mama.” Sabi ko “Busy lagi si mama, pag nga nagset siya ng dinner naming tatlo nila kuya or magfamily bonding kaming tatlo, pag tatawag yung office, ibibigay niya yung card sa amin ni kuya at aalis na siya.” Siguro nga yung buhay ko kasama sila mama at kuya ay malungkot kasi laging walang mama nasa tabi namin. She’s always busy. Mayaman nga kami tulad ng sabi ng iba, kasi ayun lang naman yung ginagawa ng nanay ko eh yung magpayaman pa. I can always buy the things I want with mom’s card, pero minsan kulang parin talaga ang material na bagay, kulang na kulang. Kaya nga I’d rather live with my father dahil dun talaga ramdam ko yung buong pamilya, si papa kasi hindi niya kailangan magwork, ganun din si mama kasi may taga alaga na ng mga ranch nila. At sabay sabay kaming kumakain. Tas never akong nagstay sa kwarto ko dun kasi laging nasa living room kami naglalaro. Masaya dun kay papa pero kay mama hindi. Pero tuwing iniisip ko na kay papa nalang ako titira parang nalulungkot naman ako kasi walang kasama si mama, although hindi siya umuuwi lagi, minsan namn umuuwi yun kahit saglit lang at kahit nasa kwarto ako, malaki yung bahay namin at ayoko naman na pagumuwi si mama wala na ako dun. “That’s the disadvantage of being born on a silver platter.” Sagot naman ni Kim. “Look at us. We never get to see our parents. Yes every summer and winter break we go there but they are seldom home.” Tama si Kim eh. Kaya nga minsan I wished I was born sa isang normal na pamilya, yung pamilya na sabay sabay kumakain, buo, nag bobond, nagkukwento ng mga happenings sa buhay. Pero iniisip ko lang yun parang naluluha ako, kasi kahit naman busy ang parents ko at galing ako sa isang broken family, mahal ko parin sila at maganda nga ang broken eh kasi naging dalawang nanay ko. Dumami ang kapatid ko. “Onii-sama pull me.” Biglang sabi ni Sam, kaya hinatak na siya ni Kim nasa gilid na siya at tumayo si Kim para kunin si Sam. “Mama I want ice cream.” Tumakbo si Sam papunta kay Tita. Natawa nalang kami ni Kim kay Sam. Ang cute na bata. “Kim gusto ko din ng ice cream.” Sabi ko kay Kim kaya tumayo siya ulit at naglakad papunta sa loob. Pagdating niya may dala siyang dalawang spoon at isang pint ng ice cream. Uwaa vanilla. Umupo ulit siya at binuksan ang ice cream at binigay yung isang spoon sa akin. kinuha ko naman yung spoon tas hinati ko sa gita yung pizza ko at nung nahati ko na, nilgayan ko ng ice cream at I rolled it. Pizza ice cream yummy. “What’s that?” tanong ni Kim na parang nandidiri pa haha. “Masarap tikman mo oh.” Sabi ko sabay subo sa kanya yung buong kalahati ng pizza na may ice cream. Gumawa ako para sa akin at kinain ko na din “You know you have a very weird taste buds.” Sabi niya. Kasi ang weird weird ko nga talaga sa pagkain. Yung pag may pasta lalagyan ko ng fries. Tas madami pang ibang weird na bagay. “Uwaaa onee-sama I want that too!” nagulat ako kasi nasa tabi ko na pala si Sam. Kaya ginawa ko din siya. Well after namin magswimming if you call that swimming. Nagpunta na kami sa sari-sariling kwarto para maligo gusto nga ni Sam sabay kami kaso sabi ni Tita sila ang sabay. Makulit daw kasi si Sam maligo baka abutin kami ng siyam siyam. At laking gulat ko nalang sa cr sa room ko kasi napakalaki, may shower area tas may bathtub pa pero nasa may gitna ito, sosyal. Pag dineretso mo yung bathtub, papupuntahan mo yung walk-in closet na napakalaki. Specially made nga talaga para kay Sam to, kasi babae, sayang naman to. Ang ganda ganda. Sympre nag shower lang ako kasi nakakatamad. After nun bumaba na ako at yung mag kuya naglalaro ng Jenga. Kaya sumali din ako sa kanila. Eto yung nilalaro namin nila Karl nung biglang tumawag si Kim dati at natalo si Karl sa amin eh. Haha memories. Masaya ako ngayon, it’s not that bad kung dito ako titira I mean, masaya nga siya eh. Hindi boring. One day palang yan, may what ilang days pa ako dito. Si Tita din nakisali sa amin at masaya talaga parang bonding. Mamaya daw kami ni Tita magluluto ng pagkain. I feel so warm sa family na to. It’s not bad to be one of them. Someday maybe. |
Chapter 14 - The Tennis MatchIt was an ordinary Sunday, townspeople go to Church at exactly 8 am in the morning, then after the mass they’ll stay at the Church for quite some time to catch up with their friends. After that they will go head up to the country club where they will have to eat their brunch and play their different kind of sports.
Para sa pamilya ni Kim at sa mga tiga sub nila, ang ganyang Sunday ay isa lang sa ordinary Sundays and that’s been their routine ever since the sub was built. Kaya eto kami ngayon papunta na sa country club nila for the brunch. The atmosphere was different sa loob ng kotse. Nasa likod ako, habang yung dalawa kong kasama ay nasa harap, isa nagdri-drive isa naman parang ewan lang. Wala talaga akong gana para sa ganitong gatherings. Kakatamad naman kasi eh. Two weeks na ako sa bahay nila Kim at masasabi ko lang ayos lang pero nagbago lahat nun dahil sa dalawang epal na lalaki sa buhay ko. Sila Tita Elise at Sam ay hindi na makakasama sa club dahil after the mass pupunta sila sa Manila dahil nakatanggap ng tawag si Tita sa Japanese Embassy. Nagtataka nga ako kasi Sunday tas may office? Ewan ko lang basta. Nakakainis parin naiwan ako kasama yung dalawang asungot sa buhay ko. “Sorry na kasi pinsan kong mahal.” That’s Karl. Nakaharap siya ngayon sa likod at inirapan ko lang siya at tumingin nalang sa labas ng kotse. Galit ako sa kanila ni Kim, kaya since kaninang umga hindi ko pa sila kinakausap. Mga epal naman kasi sila sa buhay ko kagabi or should I say kaninang madaling araw? Sino ba naman ang nasa matinong pagiisip ang umakyat sa may veranda para lang manakot? Wala diba? May sira kasi ang mga utak ng dalawang yan. Ok ganito kasi yun eh. Umakyat sila sa veranda ko nun, sympre tulog na ako nun at nakabukas lang yung lamp shade, nagising nalang ako nun kasi naman may kumakaluskos sa labas ng veranda, naalala ko pa yung kwento sa akin nila Kim at Karl nung gabing yun yung dahilan ni Sam kung bakit ayaw niya dito sa kwarto na to. Dahil nga may multo daw. So sobrang takot ko nun sympre may multo, marinig niyo kaya yung kaluskos hindi kayo matatakot? Lumakad ako papunta sa may veranda para isara yung kurtina dun at nagulat ako kasi may puting whatever akong nakita at kaya ako tumakbo sa kama at nagtalukbong, I’m sure hindi yun magnanakaw… nakarinig nalang ako na nagbukas yung sliding door tas mga footsteps. Unti unti inalis nung multo yung kumot ko kaya nakapikit nalang ako, and then biglang nag “BOO.” At nagsisigaw ako and to my dismay, I saw Karl laughing so hard while Kim was holding the video cam and laughing and saying to my face “You should have seen your face. It was epic.” See how mean? Napakasama nila. Muntik na akong mamatay sa takot tas ganun lang yun? No way. Let the cold war begin. Bahala sila sa buhay nila, kakain lang ako ng kakain. Pasalamat talaga sila hindi ako makauwi sa bahay namin. Nakarating na din kami sa club, ilang kanto lang naman kasi yun sa simbahan, gusto lang mag sasakyan nila Kim, yung bumaba na kami, todo kapit sa akin ni Karl pero hindi ko nga pinansin, lakad lang ako. Na-enjoy ko na yung stay sa kanila eh, kaya lang tama bang manakot at videohan yung happenings at sabihin na epic yung mukha ko? Diba hindi? I should have known na pag dumalaw ang isang Karl, may mangyayari na hindi ko magugustuhan, kaya pala intentionally nila sinabi yung multo sa veranda. Mga asungot sa buhay. So kumain lang kami dun at after that, nasa may side kami ng pool, tahimik lang yung dalawa tawa ng tawa, mag best friends nga sila, hindi man nagsisisi sa ginawa sa akin? grabe lang! Naglakad lakad kami at nakita ko yung tennis court at napahinto kami dun. May naglalaro, gusto ko din…. “Alam ko na!” biglang sabi ng magaling kong pinsan lumingon naman ako sa kanila “Laban tayo ng tennis. Us versus You cousin kong mahal.” Sabi niya “Pag nanalo kami all is forgiven at wala ng sumbong na magaganap.” Kasi naman sabi ko sa kanya, isusumbong ko siya kay Tito, not about yung stunt nila kagabi kung hindi yung mag dra-drag race nila ni Kim, what would happen pag nalaman na si Karl ay nararace sa gabi at napakabilis ng pagpapatakbo ng motor niya? Edi grounded. Whaha “Ano yun dalawa kayo isa ako? Unfair.” Nagsalita na ako. “Pinsan kong mahal hindi ako marunong maglaro ng tennis, kaya kayo ni Kim ang maglalaban.” Sabi niya at akbay sa akin tinanggal ko naman. “Game. Pag ako nanalo, ipag shoshopping niyo ako, walang reklamo, sky’s the limit, at basted na si Kim.” At ako ay ngumiti. Akala nila ah. “WHAT?” napasigaw si Kim “No way.” “Deal.” Si Karl yan. “Pag kami nanalo walang sumbong at never mo ng gagamitin yun pangblackmail ano deal?” nakikipag shake hands pa. Good deal naman diba? Ok na yun sa akin. makikipag shake hands na ako kaso tinapik ni Kim kamay ni Karl. “That’s unfair. Why are you the only one benefiting in this game?” tanong niya kay Karl, “While I’m the one who’s got to suffer?” he asked again. Tama nga naman panay kay Karl yung sa deal at si Kim basted na sa akin. “Sige ano bang gusto mo? Sagutin ka na ng mahal kong pinsan?” si Karl. “Ano Mary payag ka sasagutin mo na siya.” “Deal.” Sabi ko. Sympre papatalo ba ako kung ang freedom ko yung at stake? No way. “I don’t want that. I want two wishes.” Sabi niya “Ano ako genie?” tanong ko at tumawa ng malakas si Karl mga baliw. “At magtagalog ka nga, English ka ng English may usapan tayo dati.” Pagtataray ko sa kanya. “Yung sasagutin ka nalang kasi.” Si Karl yan. Ou nga naman bakit ba ayaw pa niya nun? Not that I want to be his girlfriend ah, wala naman yang magandang ginawa sa buhay eh. “Of course….” Hindi pa siya natatapos ay inirapan ko siya “Sino ba naman ang may gustong maging girlfriend yung taong mahal niya dahil lang sa pustahan?” sabi niya, talagang ang weird pag nagtatagalog siya ibang iba pero masasanay ka din naman. Pero wait what? Tumawa ng malakas si Karl as in malakas yung para bang walang manners “Ayun yun oh! Oh sige ano bang gusto mo?” natatawa parin siya ako naman speechless, paano kasi si Kim eh, may paganun ganun pa diba. “You’re going to wave the white flag first. And attend the wedding with me.” Ang daya nila no? bakit sila ang daming hiling sa akin? pero the wedding? Oh ayoko nga. May wedding kasing pupuntahan sila Tita Elise at isa si Kim sa groomsmen at nagiinarte at sinabi ba naman na hindi daw siya aattend kung hindi ako yung magiging partner niya meaning I have to be a bridesmaid at to think hindi ko kilala yung ikakasal ah. And the white flag. Remember our first cold war siya unang nag wave ng white flag, nakatago pa yun sa bahay at ngayon ako ang mag wawave? Meaning ako yung susuko? Ako yung magbaba ng pride eh sila may kasalanan no way. “Oh sige sige. Sky’s the limit sa shopping ah at basted ka na.” sabi ko. Nag shake hands na kami ni Kim tas si Karl naman. Pumasok kami sa loob ng club muna para magpalit ng damit for tennis. If you don't know isa sa sports ko ang tennis, ayun lang naman talaga ang alam ko na marunong ako kasama na din siguro ang sa kabayo. Other than the two wala na. Magaling ako sa tennis alam ko yun, dati kasi naglaban kami nila papa at nanalo ako, nakalaban ko na si Maria, just kidding. Basta nakalaban na ako sa mga inter-school competition at nanalo naman ako kaya I know I can win this. Self confidence lang yan pero hindi ko naman kasi alam kung magaling si Kim eh. So after changing, nagpunta na ako sa court andun si Kim at Karl nagtatawanan na naman, nakakainis talaga pag nagtatawanan sila kasi feeling ko ako yung pinagtatawanan nila yung nangyari kagabi. Kainis. Nag start na kami ni Kim ng laban namin, si Karl todo yung sigaw, akala mo kung anong meron eh. At first maganda ang laban, talagang walang papatalo, and I learned that magaling si Kim, mahirap siya kalaban, una leading ako, pero nakakapagod kasi ang lalakas ba naman ng palo ni Kim eh, kaya nilalakasan ko din kala niya ah. Maganda yung laban, may mga nanonood na nga eh, ayaw talaga namin patalo ni Kim abnoy kasi yun eh. I know I could win. I know it. Pero si Kim malakas din ang fighting spirit. Now I know why confident na confident si Karl. Almost one hour and thirty minutes din nag last ang game and guess who won. Kim won. Inis na inis ako nun kaya pinagpapalo ko sila ni Karl ng racket ko, kainis naman kasi eh, bumaba si Karl nun sa may bleachers at pumunta sa akin at inakbayan ako tas sinabi ba naman…. “Oh Mary I forgot to tell you Kim is our prince of tennis.” Diba diba? Kim is not normal! Madaming contest na siya ang nanalo. At eto ay isang amateur game lang para sa kanya. I should have known better, na ang isang Kevin Ian ay hindi basta basta, he’s not just the guy who has a photographic memory, he’s not just the average guy who excels academically but also a guy who excels in almost everything. Kalian kaya ako mananalo sa isang Kevin Ian? After that nag shower lang kami at umalis papunta sa mall at manglilibre si Kevin Ian, kumain kami tahimik lang ako habang yung dalawa kwentuhan na naman, mga kalokohan nila dati. Natalo ako ng isang Kevin Ian. Natalo ako. Alam ko naman na competitive si Kim, and siguro a part of me alam na mananalo siya, not because he excels in tennis but because of his competitiveness, si Kim kasi yung taong pag may goal siya, tiyak na makukuha niya if he’ll put his mind and heart in it. Siya nga diba si Kevin Ian? No one can ever beat a Kevin Ian. And now, I have to wave the white flag and attend the stupid wedding as a bridesmaid. But overall I’m happy. I don’t know why but what Kim said earlier about us going steady just because of the stupid bet, he sure did made my heart rejoice. We all know that pwede akong manalo at basted na siya, at siya pwede siyang manalo at maging girlfriend na niya ako but he didn't do that, instead he asked for something different kasi ayaw niya akong maging girlfriend dahil lang sa pustahan, he wanted me to be his girlfriend because I said yes. Siguro nga may pagka-lokoloko sila ni Karl but what can I do? Kim lived his childhood days without anyone and when he met Karl things changed and they’ve became inseparable. He might do things that I hate but in the end he will always know how to make me smile and forgive him. And this tennis match made me realized that there are no ordinary days with Kim, it also made me realized that once you set your eyes into something, you would do everything just to get it, all the hard work would pay off in the end just never ever give up. “Congratulations Kevin Ian.” I smiled at him and that made them stop from laughing. They looked at me and they smiled again. “Dahil diyan ipagshoshopping ka ni Kim at ng mahal mong pinsan.” Biglang sabi ni Karl “Yeah come let’s go.” Sabi ni Kim Yeah right. Everything is just the way it is for now. The tennis match made me realized something again…. He’s the one and only Kevin Ian in the whole world. |
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.