Chapter 3 - Three HeartsHarry’s POV
Si Alyssa, mahigit na dalawang buwan na simula nung nagpasya siyang umalis at tuluyang iwan ang mga bagay na nakakaalala sa kanya ng mga sakit, pati ang mga taong nadamay. Tinuring ko ng isang kapatid si Alyssa, alam ko lahat ng hinanakit niya noon, alam ko lahat pero hindi ko siya nagawang tulungan upang mahiblan ang sakit na nararamdaman niya dahil katulad niya, nasasaktan din ako nung mga panahon na yun. Dahil ang babaeng mahal na mahal ko ay talagang hindi ako mahal, nanggaling na sa kanya ang mga salitang ayokong marinig, ang mga salitang pilit kong tinatanggi. Naglakad na ako papunta sa meeting place namin ni Camille, ilang buwan na din akong nangliligaw kay Camille pero hindi parin niya ako sinasagot, siguro nakikiramdam pa si Camille sa akin. Every other day sabay kaming umuwi, eto na din yung isang paraan ko sa pangliligaw sa kanya. Naglalakad nga ako tas may nabunggo ko naman ako nahulog mga gamit niya kaya tinulungan ko na siya tas nung nakatayo na ulti kami nagulat kaming dalawa. O__________O “Jewel.” “Harry” Sabay pa namin na nasabi ang mga pangalan ng isa’t isa. Napakamot naman ako sa ulo ko at siya naman nag smile lang. Grabe ang ganda talaga ng smile niya. Ngayon ko nalang ulit siya nakita, dati dati nakikita ko pa siyang dumadaan sa may classroom namin papunta sa classroom nila o kaya minsan naman sa Building C pero ngayon wala na. “Sorry.” Sabay namin sabi at nagtawanan na naman kami. “Bat ang dami mong dala?” I asked her. “Ahh sa research namin to sa Filipino, mga survey.” Sagot niya. “Ah sige Harry naghihintay na sila eh.” Tumalikod na siya sa akin pero I held her hand. “Wait.” I said na kinagulat niya. Tumingin siya sa akin with a confused look. “Bakit?” “Ahh… usap tayo hindi na kita nakikitang online.” I said. Tuwing online ako hindi ko na siya nakikitang online, minsan nga iniisip ko ayaw na ba niya akong makausap? Parang nung debut lang din ni Anne, hindi kami masyado nakapag-usap mas nagusap pa sila ni James. “*Paano mo ako makikita kung sa iba ka naman nakatingin.*” may binulong siya pero hindi ko naman narinig bulong nga eh. “Haha offline mode lang ako.” “Harry. Jewel.” Biglang may tumawag sa mga pangalan namin, nung narinig ko yung boses na yun alam ko na tapos na yung moment namin ni Jewel. “Hi Camille.” Bati ni Jewel. “Oh siya alis na ako mukhang may date pa kayo eh.” “Wala.” Sabi ko at nagulat si Camille bakit wala naman talaga ah? “Jewel.” May lumapit na lalaki kay Jewel. Napasmile naman si Jewel sa kanya. So talagang hindi ako yung nagpapasmile sa kanya? “Ruben anong ginagawa mo dito?” she asked and nakasmile parin siya. “Ahh nakita kita dun kanina nung nagpapaphotocopy ka hindi mo naman ako pinasin.” Sabi nung Ruben. Si Jewel naman napasmile lalo at kulang nalang maging heart yung mata niya ♥ ______ ♥ -__________________________- “Ah sige Harry Camille enjoy sa date niyo. Maagang umuwi ah may pasok pa bukas.” Umalis na sila nung Ruben at pinahawak pa niya dun kay Ruben yung gamit niya sino ba yung Ruben nay un? Nakakainis naman! Nagseselos ako ou nagseselos ako! “Camille classmate niyo ba yun?” “Ah si Ruben? Hindi MasCom yun. Laging napunta sa classroom tuwing English namin yan crush siya ni Jewel pagkatanda ko eh kasi nakwento niya sa akin dati.” Sagot ni Camille talagang kailangan sabihin na CRUSH ni JEWEL yung RUBEN na yun. “Ahh tara na uwi na tayo.” I said and naglakad na kami. Kwento ng kwento si Camille pero hindi ako nakikinig sira araw ko! Talaga bang walang nararamdaman sa akin si Jewel? Talaga bang hindi ko siya kayang pasiyahin? Duwag ka kasi Harry. Dumating na ako sa bahay at nakita ko naman yung dalawa na nanunuod ng tv, pumunta ako sa kanila at umupo sa gitna nila. I sighed. “Anong nangyari?” tanong sa akin ni James. “Sawi sa pag-ibig.” Sagot ni Friedrich ang galing alam niya na sawi ako? Haha “Kala ko kasi kaya ko din siyang pasayahin eh.” “Akala mo lang yun. Hindi mo naman kasi triny eh. Naduwag ka diba? You didn’t even try to be the man that can make her happy.” Friedrich said wow! Gumaganon na siya ngayon? I sighed again. Tas tumunog yung cellphone ni James. Tinignan namin siya ni Friedrich habang binabasa niya yung text sa kanya. Sino kaya yun at kayang mapangiti si James? Two months ago sawing sawi si James, nawala kasi si Alyssa, at sinabi sa kanya na hindi siya ang babae para kay James. “Sino yang katext mo?” tinanong ko. “Kanina pa yan may katext.” Pag sabat ni Friedrich “Baka may nililigawan na.” “Si Mary to, ano ba kayo.” Pag sasagot ni James na nakasmile pa. Magkatext sila ni Mary? Kailan pa? Tinutupad na ata ni Mary yung sinabi niya sa akin ah. Sabi niya sa akin dati, gagawin niya lahat para siya naman ang makita ni James, na kahit magpakatanga pa ulit siya ok lang. Bakit ang daming tao ang nagpapakamartir? Bakit nila gustong gustong masaktan? Ayoko magpakamartir kaya siguro, I decided not to pursue Jewel a long time ago, dahil alam ko naman na hindi niya ako gusto, ayoko lang mawala yung friendship namin. “Anong meron sa inyo ni Mary?” tanong ko. “Wala. Nagkukwentuhan lang kami. Tinanong ko din kasi sa kanya kung may alam siya kay Alyssa.” Sagot ni James. “Si Alyssa yung pinaguusapan niyo?” natanong ni Friedrich. Ang manhid James. “Ou.” “Ang manhid mo James. Napaka. Hindi mo ba alam na masakit yang ginagawa mo kay Mary?” parang napataas yung boses ni Friedrich. Alam ni Friedrich na may gusto si Mary kay James, alam ko din yun eh halata naman kasi diba? Pero si James haggang ngayon bulag parin. “Bakit naman siya masasaktan?” painosenteng tanong ni James. “Manhid ka ba talaga o nagbubulagbulagan lang? Hindi na babalik si Alyssa, kaya haggang kalian mo sasaktan yung damdamin ng isang taong nagpapahalaga sayo?” I asked him. “Hindi ko kayo maintindihan. Babalik si Alyssa. At isa pa bakit naman masasaktan si Mary?” Hay see ang bulag niya talaga. Bakit may mga taong nagbubulagbulagan at handang makasakit ng iba para sa pagibig? “Hindi na siya babalik.” I said. I know Alyssa, she won’t come back until her wounds haven’t healed yet. “Mahal ka ni Mary.” Friedrich said. “Sa tuwing tinatanong mo siya tungkol kay Alyssa, unting unting nadudurog yung puso niya, pero tinitiis niya yun kasi mahal ka niya at gusto ka niya mapasaya. Pero tuwing sasaya ka, siya naman yung nasasaktan.” “It’s time to let go of Alyssa James.” Ayan ang sabi ko sa kanya. |
Chapter 4 - The substitute BoyfriendMichael’s POV
Sabi nila pag nagmahal ka siguraduhin mong kakayanin mo at matutupad mo lahat ng mga pangakong binitawan mo. Two months ago, I promised to patiently wait for her. To wait until she decides to come back. Hindi ko alam kung kalian ko siya minahal, siguro una palang mahal ko na siya hindi ko lang kayang sabihin sa sarili ko. Siguro my biggest regret is when I lied about how I felt for her. Nagalit ako sa kanya nung nalaman kong niloko lang niya pala ako, na dahil sa isang deal nila ng mga kaibigan niya kaya niya ako kinaibigan. Nagalit ako, dahil din nagalit ako I made a very irrational decision to lie to her. Kung sana pinatawad ko na siya agad, kung sana hindi ko sinabi yung mga masasakit na salitang yun. During that moment I found myself weighing love between hate and my regret is I let hatred take over me, I let my anger take over. If only I listened to my heart, if only. I didn’t want her to be hurt, I didn’t want her to feel the pain alone, I wanted to be with her. Dalawang buwan na din siyang wala, umalis siya ng walang nakakaalam na aalis siya, she left maybe because she wanted to heal her heart, the heart that I broke. Dalawang buwan. Dalawang buwan na din akong nasasaktan, dalawang buwan na din akong naghihintay para sa kanya. Kinakaya ko ang sakit dahil alam ko she’s doing her best to ease the pain alone, pero magkaiba kami ng situation ni Alyssa, she’s alone but I am not. Dahil nasa tabi ko si Jenny. Si Jenny lang naman ang kakampi ko ngayon, siya lang ang nakakaintindi ng sakit ko, buti hindi niya ako iniwan. Jenny is always here for me at napakaswerte ko para magkaroon ng best friend na tulad niya. Naglakad na ako papunta sa classroom at may napansin akong babaeng umiiyak sa may bench, lumapit ako at to my surprise si Jenny umiiyak. Bakit kaya siya umiiyak? “Bes?” tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at tumakbo palapit sa akin at niyakap niya ako. “Bes…” pagiyak niya sa akin, ngayon ko lang ulit nakitang umiyak si Jenny, ngayon lang. “Anong nangyari?” I asked her. Nung nawala si Alyssa, siya ang nag comfort sa akin kaya ngayon na nasasaktan na siya siguro it’s time for me to comfort her too. “Bes pwede bang ako nalang ang mahalin mo?” Nagulat ako sa sinabi niya, bakit niya nasabi yun? Nasasaktan ko ba siya dahil iba ang mahal ko? “Bes ang sakit kasi eh, yung makita mong masaya yung taong mahal mo kasama yung babaeng mahal niya, napakasit kasi ako yung nauna eh, I was the first girl he loved pero bakit ganun? Bakit parang wala lang sa kanya na minahal niya ako? Nakapagmove on na siya pero ako hindi pa. Mahal ko siya bes.” Pag iyak ni Jenny, Siguro si Tyrone na naman ang iniiyak nito, ex boyfriend niya hindi ko alam kung bakit sila nagbreak pero ngayon alam ko na mahal pa niya yung Tyrone na yun. “Shh.. tama na.” “Bes wag mo akong iiwan ah? Ikaw lang ang meron ako.” Jenny said. Tama siya, we only have each other right now. Wala yung mga taong mahal namin. “Promise hindi kita iiwan. Lagi akong nandito para sayo. Ako muna ang magiging boyfriend mo haggang wala ka pang napupusuan. Haha” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yung boyfriend pero feeling ko kasi ayun yung kailangan niya ngayon eh yung may matawag na boyfriend. Humiwalay siya sa pagkayakap at tinignan ako. “Boyfriend?” she asked.”Naku bes baka malaman pa yan ni Alyssa at hindi na talaga bumalik yun.” Pagpapaalala niya sa akin. Napaka-thoughtful talaga ni Jenny. “Iniintay ko parin naman siya eh. Kahit naman maging boyfriend mo ako sympre nasa kanya naman yung puso ko. She just needs to have faith in me.” “Sige bes you’ll be my boyfriend haggang wala pa si right guy ok? Para na din hindi nila sabihin na beki ka haha.” Pinunasan na niya yung mga luha niya. Ayokong makitang umiiyak si Jenny, kasi alam ko kung gaano kasakit yung mawala yung mahal natin sa buhay, yung bang parang sila nakakapag move on na pero tayo hindi natin magawa. Dalawang buwan na simula nung umalis siya pero wala parin akong alam kung ok lang ba siya, feeling ko minsan nakalimutan na niya ako, na nakakapag move on na siya pero ako hindi pa. Umakyat na ako papunta sa classroom ko, nung nasa fourth floor na ako, napansin ko yung pinsan ni Mary. “Is she alright?” tanong niya dun sa kausap niya sa cellphone niya. “Paki sabi po tito pag gumising na siya na sorry sa lahat ng nagawa ko.” She cried. Sino kaya yung kausap niya tito daw? Kanino siya nagsosorry? “Gusto ko man pong pumunta diyan sa New York hindi po ako pwede finals na po eh.” New York? Si Alyssa? Anong gumising? “Thank you po tito sorry na din po.” Anong meron at umiiyak siya. After nung phone call na yun umupo na siya sa sahig yung para bang lumuhod lang tas nagiiyak na siya at nag sasabi ng sorry anong meron? Nagdial ata ulit siya ng number. “Gab, Alyssa’s been in an accident.” Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero nung narinig ko yung pangalan ni Alyssa, naglakad ako papunta kay Mary. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakikita. “It’s been two months Gab and hindi pa siya nagigising.” Two months? Two months na siyang wala paano siya naaksidente? Yung narinig ko yun para bang gumunaw yung mundo ko. “They’re thinking of turning the machine off Gab.” How could they do that to their own daughter? Pag nawala si Alyssa para bang nawalan na din ng saysay yung buhay ko hindi siya pwedeng mawala. Bakit sila nawawalan ng pagasa. Hindi pwedeng mawala si Alyssa. Hindi siya pwedeng mawala, hindi ko na kakayanin pa. Nagulat si Mary nung nakita na niya ako, binaba niya yung cellphone niya at tumayo siya. Gulat na gulat siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gustong gusto kong pumunta sa New York para makita si Alyssa, para masabi sa kanya yung nararamdaman ko. “Totoo ba?” |
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.