Chapter 5 - Let the Courting Begin“Ah right. Can I officially court you?”
Naluwa ko yung cake na kinakain ko, nasamid kasi ako sa sinabi niya eh. Mangliligaw daw siya! Hala Hala! Hindi ko alam ang sasabihin ko, I was left dumbfounded. “Sorry.” Sabi ko at nagpunas ako ng bibig “Hindi pwede, bawal pa ako magkaboyfriend.” I wasn’t lying, bunso ako sa family at babae pa kaya over protective parents ko eh, si papa super pero si mama naman medyo lang cool padin siya minsan, pero iba kasi yung boyfriend eh ibang usapan na yun. “I was only asking if I could court you but I didn’t know that you are so eager to be my girlfriend.” Ngumiti siya ng nakakaloko. Aba ang hangin din nitong lalaking to kahit kelan ah. Aba aba, diba pag may nangligaw ang ending nun boyfriend girlfriend thingy na? Ay mali pala pwede din palang i-basted ko na siya agad agad. Bwhahahaha “Kapal mo what I mean is bawal ako sa mga ganyan.” I said. “What if they allow me to court you will you also allow me?” he asked this time sincere na yung mukha niya. Bat ba kasi gustong gusto nitong mokong na to na mangligaw sa akin? “Crush mo ko noh? Ang kulit mo eh!” Loka Mary kaya nga nangliligaw eh kasi gusto ka niya! Ay hindi, pwede din naman na dahil sa pustahan lang pag ganun papapatay ko siya! “I like you.” he said seriously at tumingin sa akin ng sincere. Kaya umiwas ako agad. Feeling ko namumula na ako ngayon. kyaa bakit simpleng I like you lang niya kinikilig na ako!? Tumayo na siya. “Let’s go and meet my mother in law.” Ano daw? Tumayo na ako. “Hoy uwi mo nalang ako hindi papayag yun at ayaw ko nga.” I said nung naglakad na kami papunta sa kotse niya. Sumakay na kami sa kotse niya. Nagtataka lang talaga ako sa lalaking to paiba iba ng kotse. “Bakit ka papalit palit ng kotse?”I asked habang siya ay nagdridrive. “I’m into cars.” Sabagay kaya naman niya yung hilig niya, mayaman sila eh. Though wala pa akong alam sa family niya. Hindi naman kasi pala kwento yan eh gusto ako yung nagkukwento. Napansin ko nasa tapat kami ng office ni mama! Hala sdabi ko iuwi niya ako eh! Ang bad lang niya! Nagtanggal siya ng seatbelt. “Let’s go!” he said “Ayaw ko nga. Ikaw nalang tutal ikaw lang naman may gusto eh.” Sabi ko. “Ok wait here I’ll be back.” I waited for like an hour! My ghad ang tagal naman, ayyy baka pinalapa na ni mama sa malaking aso sa office niya! Hala! Oh kaya pinachop chop na ni mama! Ok Mary, OA na! Morbid mo masyado. Nakita ko sa rearview mirror si Kim kasama si Mama nakakapit pa yung kamay ni mama sa braso ni Kim nagtatawanan pa! Palapit na sila! Close na sila? Lumabas ako ng kote na nakayuko nahihiya ako sa sarili kong inay! “Oy kaw may mangliligaw ka na pala. Hindi mo sinabi na anak siya ni Rick Montenegro.” Sino naman yun? “Oh sige Ian dalhin mo na yan sa papa niya, hindi ko alam kung papayag ba yun pero for me I like you for my daughter.” Mom smiled at Kim! The hell! “Thank you tita.” Sabi ni Kim na naka-smile pa! Ma dapat pinalapa mo nalang sa aso eh. Pa sana ikaw palapa mo siya, o kaya ibaon mo nalang sa lupa sa garden. Pumunta kami sa Cavite nakakapagod din ah! Ayaw niya ikwento paano niya napapayag yung nanay ko well mamaya ko din malalaman yun. Nung nakarating na kami direcho lang ako sa kwarto ko nahihiya kasi ako eh. Pa, ma, palapa niyo na yan ah, o kaya ihulog niyo sa pond at pakain sa mga koi fish! As if naman kumakain ng tao ang mga koi fish Mary isip! Ibaon niyo nalang pala sa lupa. O kaya pa ilabas mo yung shotgun mo! Lumabas ako ng kwarto ko dahil tinawag nila. Eto na ba yung kinakatakutan ko? Buong pamilya ko nandito, nakalimutan ko na nandito pa sila! Tumabi ako kay Ate Mitch at hinanap si Papa pero wala siya? Asan kaya yun? Dumating si Papa at nagulat ako sa hawak ni Papa! Bwahhahaha. Napatawa ako ng malakas nung kinasa ni papa yung shotgun! Hahaha ano Kim kala mo ah! “Haha papa sige balirin mo na yan!” sigaw ko at tinignan ako ng mga tao sa bahay! May masama ba sa sinabi ko? Lumapit lang si Papa kay Kim bakit kampante pa din si Kim diba dapat eto na yung scene na luluhod siya? “Eto yung shotgun na ginamit ko noon nung nangaso kami ni Rick.” Sabi ni Papa at pinahawak pa yung shotgun kay Kim! Sino ba si Rick na yan? Huhu bakit hindi mo siya binaril papa? “Bear ko, papayag lang ako na magpaligaw ka dito basta wag mo agad sagutin ah. Aral ka muna hayaan mong mamuti ang buhok niya.” Sabi ni papa “At ikaw Kim, dapat ikaw ang maging valedictorian sa class niyo.” Sabi ni mama kay Kim! “Oy Morales lagot ka sa akin pag pinaiyak mo yang pinsan ko! Yang shotgun na hawak mo ayan ang papatay sayo.” Threat naman ni Karl Nagtawanan pa sila. Oh jusko po ako nalang po pala ipalapa niyo. O kaya Earth just eat me now! “So now Mary can I officially court you?” Kim smiled at me yung smile na sinasabi niya na he’s Kim the Great! Bwisit! Tas nagbelat pa siya! Ang kapal naman ng mukha niya talaga oh! Tumayo ako at pumunta kay Kim na nakasmile, napasmile tuloy siya hahaha. Inapakan ko yung paa niya. “Ayan ang bagay sayo! Hmpp.” Inirapan ko siya at sabay walk out. Narinig ko silang nagtatawanan. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung bag ko nang naalala ko na may project pala ako sa wood shop class ko! Grr. Kinuha ko yung mga kahoy at bumalik na sa living room. “Pa, pagawa naman ng bahay ng ibon.” Sabi ko kay papa. Siya kasi yung gumagawa nung mga project ko sa wood shop or sa TLE pero minsan yung cook namin sa bahay. “Karl hatid mo na ako pauwi.” Utos ko naman kay Karl. “Oy Kim ikaw gumawa ng project ni Mary tutal mangliligaw ka na niya.” Sabi ni Ate Mei! So kinuha niya yung kahoy at nakasmile pa talaga nakakainis talaga siya! Siya din yung pinaghatid nila sa akin, they trust him already! Habang nasa byahe kami gumagawa ako naman ako ng homework, trapik eh at gabi na kumain na din naman kami sa bahay eh. “Aish ang hirap hirap naman. Bwisit na geom yan!” reklamo ko. I super duper hate Math! “What’s the question?” he asked. Sinabi ko yung question at nasagot niya without needing a paper! Mental solving. Matalino pala talaga tong si Kim, kaya pala sinabi ni mama na dapat Valedictorian siya. “About dun sa pangliligaw mo, you can do whatever you like pero wag ka ng magtaka pag hindi kita sinagot ah.” I smiled. Nakita kong nagsmile din siya. “At dun sa project ko ayusin mo yan kailangan 100 ako!” “You’re an over achiever.” “Am not. I want to excel.” “Competitive.” "Nope. Ikaw nga running for valedictorian ka pala.” “I’m not.” Weh? “I got disqualified because of that dam homeroom.” Hala homeroom nalnag bagsak pa? Sa batch nga namin ngayon sa class namin yung may pinakamataas na homeroom grade eh. Ehem ehem, 100 lang naman simula nung first quarter up to third quarter. Nakarating na kami sa bahay at siya yung sumagot sa mga homework ko. Matalino nga siya. “So I’m officially courting you right?” “Right.” Hay January 26, nag start mangligaw si Kim, dalawa na pala ang remembrance ng date na yan, si Ash at si Kim. What would happen next? Ang buhay kong tahimik ay pinasok ng isang napaka-hot na manliligaw. |
Chapter 6 - Confirmed RumorsMga chismis, ayan ang mga nakakasira sa isang buhay ng taong nananahimik, chismis, hindi natin alam kung anong totoo pagdating sa chismis, tulad ng apoy mabilis kumalat ang mga chismis, kahit puro kasinungalingan lang ang laman kakalat parin ito dahil ang bibig ng taong chismosa walang kinokonsinte.
Bakit ko ba sinasabi ang mga ito ngayon, kasi naman may kumakalat na chismis tungkol sa akin sa buong campus! Ewan ko kung paano kumalat ang chismis, pero ang bilis kumalat! Ang chismis lang naman nila ay may boyfriend na ako! Saan ka pa, ang daming rumors about it, kesyo gangster daw, tiga labas daw ng school, mayaman, college na daw, pero gwapo naman daw. Wala naman totoo dun eh! Wala pa akong boyfriend. Kaso ayun yung kumalat dahil tanda niyo pa yung sinundo ako ni Kim? Dahil dun! Pesteng Kim yan dahil sa kanya, sa akin kumukuha ng ligaya ang mga estudyante at teachers sa school. Kahit anong deny ko, wala talaga, Denial Queen nga daw ako eh. Yung mga classmates ko lalo kala nila totoo kasi naman pinakeelaman nila yung cellphone ko na nakatago sa cabinet dahil sa inspection ng prefect, nakita nila yung text ni Kim. Ayan tuloy sira na ang buhay ko. -_____- Paano na ang mga boys ko? Math namin ngayon at nasa harap ako ngayon, ginugulo si Ms. A, walang kwentang teacher naman kasi yan eh, joke lang, pero magaling naman siyang magturo kaso mas magandang guluhin siya. Hindi nakakapagturo ng maayos sa amin niyan, laging sisigaw, kaya sa next day, papagalitan kami ng adviser namin at pag nagalit siya may pop quiz sa Chem agad. Proving na kami sa Math at hindi ko talaga magets to, ang dami kasing kaekekan pa. I super duper hate Math. Ma proprove ba ng Math kung gaano mo kamahal ang isang tao? O kung nagsisinungaling lang ang tao? Hindi! Hindi mo siya ma-aaply sa realitad ng buhay! "Mary, hirap na hirap ka ba talaga sa Math?" patawang tanong ni Ms. A. Epal diba feeling close? Inirapan ko lang siya, tas umalis siya sa flatform at pumunta sa akin with matching tissues pa, "Dumudugo ang ilong mo." sabi niya sabay punas Weh? Pero tinignan ko nga may dugo nga. "Sino Red Cross sa inyo?" tanong ni Ms. A kasi ang red cross lang pwede lumabas ng highschool building papunta sa gradeschool. Tumayo si Den, hindi naman yan yung red cross eh. Pinagkakaguluhan na ako ang ingay na sa classroom namin. Lumapit si Den sa akin, "Oy tara bilis." sabi niya at kinuha niya ang kamay ko. Nasabi ko ba sainyo na crush ko si Den? Well crush ko siya at kinikilig ako! Naglakad kaming hawak hawak niya yung left hand ko tas yung right ko naman nasa ilong ko! Nakalabas na kami ng building at pumunta na kami sa clinic, walang mga nurse, siguro nasa registrar sila at nakikipag-chismisan sa mga yun. Umupo muna ako at nakataas ang ulo ko para matigil ang pagdudugo, si Den naman ayun kumukuha ng icepack. Binigay niya yung icepack sa akin, at umupo siya sa tabi ko. Tahimik lang kami. Grade six ko pa siya naging crush at since then naging awkward na para sa amin, almost 5 years na kami magkaklase at nung ngayon third year lang umayos ulit yung pagsasamahan namin. "Ok na ba?" tanong niya. "Pwede na. Balik ka na dun. AP na next." sabi ko. Sumandal lang siya "Ayoko nakakatamad naman magturo si panot eh." sabi naman niya, teacher namin sa history panot haha. Hay kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at nagsimluang maglaro, tumingin naman si Den at inagaw yung phone ko. Naglaro din siya. Inabot niya sa akin, tinignan ko naman may nagtext pala. SIno pa ba ang magtetext sa akin? [From: Kim The Great] Hey, pick you up later. Hindi na ako nagreply kasi kahit pa anong tutol ko, siya ang masusunod. Kaya nga Kim The Great eh. "Totoo ngang may boyfriend ka?" nagulat naman ako kay Den, tumingin siya sa akin ng seryoso, selos? Hindi din, may girlfriend yan maganda super tiga St. Dom kung saan nagaaral si Ash. "Hala wala." sagot ko. "Wala daw may pa pick you up later pa nga oh." pangiinis niya "Selos?" panginis ko. "Pwede. Hahaha joke baka si Rey magselos niyan lagot ka dun pagpumasok na yun." sabi niya. Si Rey classmate din namin siya, since first year classmate na namin siya, at ayan ang isang epal sa buhay ko lagi akong iniinis na mahal niya ako eklabu, at boyfriend ko na daw siya, ayan gangster talaga yan. "Baliw. Wala nga." "Sino ba yun? Gangster ba? Mayaman? O baka nga college na o teacher sa ibang school?" Grabe din tong si Den masyadong chismoso. Pero grabe ang teacher? Ako papatol sa teacher? Kung gwapo ok pa. Joke. "Wala akong boyfriend, mangliligaw lang yun. At hindi siya, gangster, mayaman ou, college hindi, fourth year lang siya at obvious naman na hindi teacher ano yun pedo?" sinagot ko na yung katanungan niya alam niyo yung sagot niya sa akin ay isang mahabang "Ahhhh." Nagkwentuhan nalang ulit kami ni Den, about sa mga memories namin together, parang naging kami eh. Dumating din yung mga nurse pero sabi ok lang na magstay kami at bantayan yung clinic may meeting daw kasi sila, bigyan nalang daw namin ng mga gamot yung papasok, oh diba ang gagaling ng nurse namin! Uwian na, hindi na talaga kami pumasok ni Den sa klase may excuse letter naman eh. Ang galing din ni Den eh, nakapag-cutting pa pasalamat siya dinugo yung ilong ko sa Math haha. Lumabas na kami ng gradeschool building at uwian na nga talaga. Papunta na kami sa building para kunin ang bags namin, kaso may nagkakagulo naman sa may tapat ng Simabahan Dinaanan lang namin, tas may epal akong boses na nairinig. "Mary." Hindi ko nalang pinansin yun, diretso lang ako sa paglalakad. "Hoy may tumatawag sayo." sabi ng katabi kong si Den. "Yaan mo siya." kumapit ako kay Den wala lang nagtatago kasi ako eh. Naramdaman kong may nakahawak na sa braso ko. Napatigil kami ni Den sa paglalakad at nagkatinginan kami ni Kim at tumingin naman siya kay Den, ang sama ng tingin. "Who are you?" asked Kim in his most maangas way. "Sino ka?" ganti naman ni Den. Tinanggal ko yung pagkahawak ni Kim sa akin, wala lang trip ko lang inisin siya, feeling ko kasi bida ako ngayon at may dalawang lalaking nagkakagulo sa akin whahaha feeler much. "Den siya yung sinasabi ko sayo kanina." sabi ko kay Den, nagkwento kasi ako kay Den kanina bored eh "Ah yung asungot?" hahahhaha baliw si Den, ang payat payat niya kung maka-asta kala mo kayang kaya si Kim, ang laking tao ni Kim sa kanya haha, Ang sama ng tingin ni Kim kay Den tas sa akin hahaha I'm sure hindi niya alam yung asungot! Pag nga naman Englishero walang alam na salita. "Asungot?" he asked, sabi ko sainyo eh wala. Narinig ko na yung bulong bulongan ng mga estudyante, wala na...... "Boyfriend ata yun ni Ate Mary eh." "Sila ba ni Kuya Den? Akala ko ba si Kuya Rey ang boyfriend ni Ate Mary?" "Ang gwapo naman nun." Bumitaw na ako kay Den, chismis na eh. "Hoy Kim, intay ka sa kotse mo. Kunin ko lang bag ko. Byee." naglakad na ako. "Who the hell are you?" narinig kong tanong ni Kim kay Den, si Den kasi hindi pa sumabay sa akin iniinis pa ata si Kim "Sino ka nga rin?" "I'm Mary's boyfriend." Napa-oh, ah, weh, eehhh, kyaaa... ang mga tao ako naman tumingin kay Kim ng masama at tumakbo papunta sa loob ng building... wala na sira na buhay ko... sinira ni Kim The Great. He just confirmed the false rumors that I have a boyfriend. I hate him so much! Asungot nga talaga sa buhay ko! Paano na ang buhay ko sa campus kung nalaman nilang lahat yung sinabi ni Kim, knowing my schoolmates bukas kalat na.... I have no face to show. Kevin Ian Morales, humanda ka sa revenge ko! |
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.