Chapter 7 - Picking up the PiecesLove’s POV
Hearts they never lie. But our mind does. Lumabas kami ni Gabriel sa Mcdo dahil nagwoworry siya kay Mary para daw kasing iba yung aura ni Mary nung nabasa niya yung text. Naglalakad kami papunta ulit sa school nang makita namin si Mary at James, magka-holding hands at papunta sa KFC. Sabi niya ang tito niya ang nagtext pero bakit kasama niya si James ngayon? Tinignan ko si Gabriel at tama nga ako, nasasaktan si Gabriel ngayon. Yung kamay niya nakayukom na. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya sinundan ko na din siya, eto ang Gawain ko ang sundan ang lalaking mahal ko. Nasasaktan siya ngayon alam ko yun dahil alam ko din na mahal niya si Mary, dati nagbulag-bulagan ako, kasi hindi ko pa nakikita yung Gabriel na mahal si Mary pero kanina nung niyayakap niya si Mary I saw and felt it. Mahal na mahal niya si Mary. He is the person who will always lend his shoulder to Mary. Kung papaano siya magalala para kay Mary, ramdam ko yun. Ou nasasaktan ako kasi mahal ko si Gabriel pero may magagawa ba ako kung si Mary ang mahal niya? Kung ang turing lang niya sa akin ay isang stalker niya? Patuloy ako sa pagsunod sa kanya kahit nasa school na kami bigla siyang tumigil at lumingon sa akin, and when he did I saw hurt in his eyes. “Pumunta ka na sa klase niyo.” Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero sinundan ko parin siya. Narrating namin ang Building C, pinindot niya yung elevator at sumakay sasakay na din sana ako “Talagang susundan mo ako?” tanong niya, Sumakay na ako “Ok ka lang ba?” tanong ko sa kanya. Masakit nga siguro ang makita ang mahal mo na kasama ang taong mahal niya, alam ko yun kasi naramdaman ko din kanina yun. Sobrang sakit. Ano pa kaya yung nararamdaman ni Gabriel ngayon lalo na kung alam nating lahat na yung lalaking mahal nung babaeng minamahal niya sasaktan lang yung tao? Na ikaw na laging nandiyan hindi makita pero sa isang text lang sumama na si Mary. “Ok lang ako.” Sabi niya “Wag ka ng lumabas ng elevator makita ka pa ng mga classmate ko alam mo naman yung mga yun.” Paalala niya. Ou nga pala stalker ang tingin sa akin ng mga tao dito, bawal bang gawing admirer nalang? Mary’s POV Masaya ako! May date kasi kami ngayon ni James, sabi niya susubukan niya, naniniwala ako sa kanya dahil mahal ko siya, gusto kong maging masaya siya, siguro nga nagpapakatanga ako pero siya naman diba yung nagsabi? Pero dahil din dun nagaway kami ni Gabriel, akala ko ba he’ll support me? Pero bakit ayaw niya? Ganun din si Love pero si Jewel ok lang naman sa kanya, bakit ganun yung dalawa masama ba talagang umasa na kaya ni James? Ang huli kong narinig kay Gabriel “Kung diyan ka masaya eh basta don’t go running to me when he hurt you.” ayan yung sinabi niya. Medyo nasaktan ako kasi bakit ganun diba? Sabi niya he’ll always be there for me kung saan ako sasaya he’ll support pero bakit ngayon? Wala na ba yung friendship namin? Pumunta na ako sa meeting place namin ni James, nandun na siya at nakatingin lang sa langit pumunta na ako sa kanya “James.” Pagbati ko sa kanya. “Tara?” pag aya niya naman sa akin, naglakad lakad na kami sa park kung nasaan kami, maganda dito, pero tahimik lang si James, after namin sa park nagpunta kami sa Ocean Park. ♫ Do you think of her When you're with me? Repeat the memories you made together Who's face do you see? Do you wish I was a bit more like her? Am I too loud? I'll play the clown to cover up all these doubts ♫ Alam niyo yung feeling na parang magisa ka lang habang yung kasama mo, napakatahimik yung mga sagot isang word or dalawa lang. Tas makikita mo pa siyang ngumingiti. Napuntahan na ba nila to ni Alyssa? Ang sakit rin pala talaga pero inihando ko yung sarili ko, I’m the girlfriend right now, ako ang pinili niya diba? ♫Perfect Heart, she's Flawless She's the all, the one with shining in her spendlor You were lost Now she's gone And I'm picking up the pieces I want to cry But you don't see that I'm the one by your side Cause she's gone In her shadow is it me you see? Cause all that's left is you and I And I'm picking up the pieces She left behind ♫ “James punta tayo sa arcade?” pagaaya ko sa kanya, I need to make this work. I have to. Umuo lang siya at nagpunta na kami, pumunta kami sa may crane at I swiped my card “Ako na ano ba yung gusto mo diyan?” he asked me. Napasmile naman ako “Yung pink na bunny.” Sabi ko. Kaya ko to. Ako ang kasama niya wala na si Alyssa. She’s gone. Nakuha ni James yung bunny at naglakad na kami ulit at nag lunch na din kami, medyo naguusap na ulit kami, kwentuhan pero I make sure na walang Alyssa na mabanggit dahil baka masira yung araw. Masaya ka ba James? Sana naman kahit papano masaya ka. Mga hapon na at naglalakad lang talaga kami sa park at nagkukwentuhan lang, nakikita ko naman na nagliligthen up na siya at naeenjoy na niya, nagbibiro pa nga siya eh. “Para kang SARANGGOLA” tanong niya. Napasmile naman ako. Eto kami nakaupo sa isang bench dito at kumakain ng ice cream “Bakit?” ” Kasi kahit lumayo ka pa.. Hinding-hindi kita BIBITAWAN.” Napatigil ako sa pagkain ng ice cream ko at tumingin ako sa kanya nagsmile lang siya sa akin. Hindi ko alam pero sana ako yung sinabihan niya talaga na hindi niya bibitwan na hindi para kay Alyssa yung banat na yun. ♫ I found her photograph Behind the TV You looked so happy, are you missing the way it used to be? But now have changed this room around more often lately It's clear that we and this four walls Still know is puzzle and glow Perfect Heart, she's Flawless She's the all, the one with shining in her spendlor You were lost Now she's gone And I'm picking up the pieces I want to cry But you don't see that I'm the one by your side Cause she's gone In her shadow is it me you see? Cause all that's left is you and I And I'm picking up the pieces She left behind ♫ “Toothpaste ka ba?” tanong pa niya. “Bakit?” “Kasi HAPEE ako kapag nakikita kong CLOSE-UP yung UNIQUE mong smile” sabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko “Mary gagawin ko yung lahat para wag mawala yung ngiti diyan sa labi mo.” He said at ngumiti siya Napangiti ako sa sinabi niya, tama James make them realize that they’re wrong na kaya mo akong mahalin na kayang mong makalimot. ♫ Are we liars? In denial Are we smoke without the fire? Tell me please, is this worth it? I deserve it Cause she's gone And I'm picking up the pieces I want to cry But you don't see that I'm the one by your side Cause she's gone In her shadow is it me you see? Cause all that's left is you and I And I'm picking up the pieces She left behind ♫ Alam ko mahirap mag move on, mahirap talaga pero andito ako para tulungan ka, aayusin ko yung nasira, I’ll bring back the pieces of your heart kahit unti untin pa, kahit matagal ok lang basta mahalin mo lang din ako. Hindi ko na muna hihilingin na makalimutan mo siya, dahil alam kong napaka-imposible na makalimutan mo siya ng basta basta, basta nasa tabi lang kita at hindi mo ako iiwan ok lang. Kahit galit sa akin si Gabriel at Love dahil nagpapakatanga ako ok lang mahal kita eh. “Thank you James.” Sabi ko Sumandal siya sa akin “Sana ganito nalang tayo no? Napaka-peaceful.” Sabi niya at pumikit siya. I looked up napaka-peaceful nga, then I noticed him brushed something from his face, a tear? Bakit ka umiiyak James? “James?” “Hmm…” “Don’t leave me.” |
Chapter 8 - If the Shoe FitsLove’s POV
I can’t believe it! I really can’t. One month ago, nagkakilala kami ni Gabriel formally remember nung pinakilala ako ni Mary kay Gabriel, well since then medyo nakakausap ko na siya ng maayos sa chat, hindi na niya ako iniisnob. Tas ngayon, inaya niya ako sa date I know right? Nagkaka-progress kaming dalawa, sana tuloy tuloy na. kinikilig ako! Kaya eto ako ngayon nag aayos para sa aming date, alam ko may reason bakit niya ako inaya, pero kung ano man yun thank you na din. Siguro kailangan lang niya ng makakausap ngayon, isang buwan na din silang hindi nagpapansinan ni Mary. Meaning isang buwan na din si Mary at James. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako para kay Mary dahil alam ko mahal na mahal niya si James pero kasi tuwing nakikita ko na sinusundo ni James si Mary, may something at makikita ko nalang sa may sulok si Gabriel nakatingin lang kay Mary at James. Nasasaktan ako para sa kanya. Lumabas na ako ng dorm ko at nagpunta na sa may 7-eleven dun kasi ang meeting place namin ni Gabriel, umupo muna ako kasi wala pa siya, maaga ata ako kasi excited ako ngayon. “Oish.” Napatingin ako dun sa kumalabit sa akin si Gabriel, kyaa bakit ang gwapo niya? Tumayo na ako “Tara na.” pag aya niya at lumabas na siya, hindi man lang niya sasabihin na maganda ako? Asa ka pa Love. Naglibot-libot lang kami sa mall, masaya naman tas sabi niya nood kami sine mamaya after lunch, he’s trying his best naman eh kaya ok na din. Masaya na ako. Naguusap lang kami about stuffs mga rants ko about sa Filipino research namin at kung ano ano pa. lalo na yung sa humanities namin na projects. “Lunch tayo?” pag aaya niya. “Sige. Mcdo ba? O KFC?” tanong ko sa kanya. “Tss. Hindi ka ba nagsasawa dun?” sabi niya at nauna ng maglakad pumasok kami sa parang pastry shop? Or whatever. Bizu, ayun yung name nung shop restaurant pala siya. Hmm mukhang mahal dito ah. Kailangan ko atang mag withdraw muna. Lumapit ako kay Gabriel “Gabriel withdraw lang ako.” Pagpapaalam ko sa kanya. “It’s on me.” Pag sasabi niya at umupo na kami. Nakakakilig naman si Gabriel. Nagorder na kami, yung mura lang yung binili ko kasi nakakahiya sa kanya, habang hinihintay namin yung order si Gabriel tumayo muna at pumunta sa may cashier at sweets. Tinignan ko lang siya habang umoorder. Mukhang lagi dito kumakain si Gabriel ah. Nakasama na kaya ni dito si Mary? Bumalik na siya na may dala dalang mga plastics. Ang dami naman niyang biniling sweets. “Ano yan?” pag tatanong ko sa kanya. Tas inabot niya sa akin yung isang plastic “Sayo yan. Tikman mo mamaya pag uwi mo masarap yan.” Sabay abot sa akin nung plastic na may laman na bilog bilog na ewan “That’s French macaroons, Mary’s favorite.” Sabi niya sabay tingin dun sa iba pang plastic. So bibigay niya kay Mary yung iba? Makikipagusap na siya? After namin kumain nanuod lang kami ng sine, after that nag window shopping naman kami, eto kami ngayon sa isang boutique ng sapatos ang gaganda ng sapatos dito. Tumingin-tingin lang kaming dalawa. “Masaya ba si Mary?” he suddenly asked. “Hindi ko alam, with the looks of it ok naman. Pero hindi ko pa siya nakakausap.” Sabi ko, since kasi din nun medyo hindi ko kinausap si Mary, ewan ko ba dati ok na ok ako sa kanila ni James pero ngayon ewan ko kung anong meron. Diba dapat maging ok ako kasi alam kong walang pagasa si Gabriel kay Mary? Pero napaka-uneasy ng lahat ngayon “Bakit naman?” “Hindi ako approve sa kanila ni James.” Pag aamin ko. “Dati kinikilig ako sa kanila. Bagay silang dalawa. Halata naman diba? Sila yung parang perfect couple sa picture. Nakita mo naman diba yung picture na magkasama sila?” tumingin ako sa kanya at nag nod lang siya. “Ang daming nagsasabi bagay sila, isa na ako dun. Dati. Pero ewan ko ba, hindi ko magawang maging sang ayon sa kanila. Si Jewel ok sa kanya kasi si James yun eh. At alam niyang sasaya si Mary pero ewan ko Gabriel.” Sabi ko. “Sabi mo nga perfect sila. Bagay. Fitted.” Sabi niya ngumiti siya pero hindi about tenga, he gave me a faint smile. “Bagay sila, perfect kumbaga pero it doesn’t mean they’re meant to be together. Parang eto.” Pag tuturo ko sa isang pink na sapatos, at inabot ko to “Maganda, perfect for me, and it fits.” Sabay sabi ko at nagsmile sa kanya. “Pero it doesn’t mean that if the shoe fits it’s the perfect fit right?” “Kasi lahat naman ng sapatos may mga sizes at magkakasya nga siya sa paa mo pero kahit fitted siya sa paa mo, magkakapaltos ka parin. Masasaktan ka parin. Sa sobrang sakit gusto mo ng tanggalin yung sapatos at maglakad ng nakapaa nalang o umupo muna. That’s how I see Mary and James, perfect shoes but in the end they’ll end up causing pain to each other.” James and Mary may be perfect pero it doesn’t mean they’re meant to be right? Madaming perfect couple, look kay Prince Charles at Princess Dianna perfect royal couple weren’t they? Pero look what happened. “Alam kong ginagawa ni James yung lahat para makalimutan niya si Alyssa ang tanong kaya niya ba? At haggang kalian maghihintay si Mary?” I asked him. “May limitations din tayo.” “I want Mary to be happy. Alam ko din sasaya siya kay James pero masakit no?” sabi ni Gabriel. “If the perfect shoes hurt, you will need shoe aids right? You will need a band aid para sa paltos mo.” Pag sasabi ko sa kanya. “If Mary and James is the perfect shoes then Gabriel you’re the band aid for Mary.” Alam ko parang binibigyan ko na si Gabriel ng chance na makasama ulit si Mary kasi by the looks of it malungkot si Gabriel dahil walang Mary sa buhay niya ngayon. After that talk naglakad lakad lang kami ni Gabriel sa buong labas ng mall, tahimik ngayon at walang nagsasalita, gabi na din ngayon. Sana yung munting speech ko, gumaan yung loob ni Gabriel sana gawin niya yung gusto niya gawin, alam ko naman na kaya siya lumayo kay Mary kasi alam niya na hindi na siya kailangan ni Mary pero mali siya, kasi kahit masakit man aminin, mas malaki yung halaga niya sa puso ni Mary hindi lang nila alam yun. Biglang nag ring yung phone ko kaya napahinto ako sa paglalakad, napahinto din si Gabriel at tumingin sa akin, kinuha ko yung phone ko at si Jewel pala yung tumatawag, medyo lumayo ako kay Gabriel. (“Love!”) pag tawag ni Jewel “Oh?” (“Ano… diba kasama mo si Gabriel? Pwede pakausap?”) ay sus si Jewel siguro gustong marinig ang boses ni Gabriel natawa naman ako. “Nakakahiya.” (“Please abot mo na.”) pagsasabi niya kaya lumapit ako kay Gabriel. “Gabriel pwede ka daw kausapin?” pagtatanong ko muna kay Gabriel, tumaas ang kilay niya wow beki si Gabriel haha joke. Kinuha niya yung phone sa akin. “Hello?” pagsisimula niya “Kilala kita…. So ano nga?...... ANO?” napataas yung boses ni Gabriel na kinagulat ko naman ano kaya yung sinabi ni Jewel kay Gabriel? “Oh sige sige… ako na bahala. Hahanapin ko.” Sabi niya sabay abot sa akin ng phone ko, at nagmadali siyang naglakad papalayo sa akin. “Gabriel wait.” Pagtawag ko sa kanya at huminto naman siya “Saan ka pupunta?” Tumingin siya sa akin with his worried look “Sorry Love, umuwi ka nalang magisa, may importante lang akong gagawin.” Sabi niya at tuluyan ng tumakbo paalis. Anong importante naman yun? Hindi ko namalayan tumutulo na ang luha ko, ewan ko bakit masakit pero eto yung nararamdaman ko, sakit. Deep inside I know why he left, alam ko kung bakit siya umalis, parang halata naman eh, pero diba sabi ko naman he’s the band aid? Bakit masakit parin isipin kung saan siya pupunta? Bakit ang sakit sakit? Kalian ba mawawala tong sakit na to? Hindi naman ako umaasa na mahalin niya ako eh, sana man lang kasi diba, bago siya umalis sinabi niya muna kung saan siya pupunta, hindi etong iiwanan niya ako. Alam kong mahal na mahal niya si Mary, alam ko yun ramdam ko yun pero masakit parin, eto ako hawak hawak yung plastic ng macaroons at yung bear na nakuha niya kanina para sa akin sa time zone, napakasaya ko kasi kinuha niya ako kanina. Kasi nakatatlong try siya dun pero hindi siya sumuko haggang hindi niya nakukuha yung bear. Siguro nga katulad ng paglalaro niya kanina sa crane, hindi siya susuko kay Mary, hindi niya ito kayang sukuan. Kahit ano pang mangyari. If the shoe fits but it hurts he’ll always be the band aid. |
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.