Chapter 7 - My First LoveThey say first love never dies……
Saturday ngayon at andito ako sa bahay ni papa, inis parin ako kay Kim, sabihin ba naman yun? Diba nakakainis, hindi ko na alam kung paano ako magpapakita sa school sa Monday. Hindi ko din alam kung paano ako maghihiganti sa kanya. I’m no good with revenge. I’m a good girl! Ha Pero we’re on the verge of our cold war, simula nung hinadtid niya ako dito kagabi hindi ko na siya pinansin, akala niya ah. Nagalit pa siya sa akin kasi hindi ko daw siya pinapansin, kung silent treatment nga daw ang gagawin ko ganun din siya. Pwes hindi siya kawalan no. At hindi naman niya kaya, andito siya ngayon sa bahay nakikigulo, pero hindi ko siya pinapansin dahil gumagawa ako ng projects ko, pasahan na this coming week at exam ko na din. Last week na kasi ng February kaya yung mga nasa top exam na para sa recognition. Busy din si Kim sa may sulok ewan ko lang kung anong ginagawa niya, basta nanghingi siya ng mga colored papers, glue at stick. Nasa kalagitnaan na ako ng English scrapbook ko about sa buhay ng mga Tudors. Nasa may mga lalaki na ako ni Elizabeth nung ginambala na ni Kim ang buhay ko. May pinatong siya, white flag. White flag? Ano yun suko na siya sa cold war? “Wave it if you want this war to be over.” Sabi niya at bumalik na dun sa sulok niya. Ang kapal niya ah. Pwes never matatapos ang cold war haggang hindi siya yung sumusuko, siya yung nanguna eh he should apologize. Pero naisip ko din na ang revenge ko sa kanya. Kala niya ah. Pagseselosin ko lang naman siya. Tignan natin kung sino mauunang mag wave ng white flag na ginawa pa niya haha. Buti nalang at kanina ko pa katext si Den, nagtatanong kasi siya para sa report namin sa Monday para sa AP, epal na panot yun porket nasa clinic kami, magrereport na kami. Nagring yung phone ko, sinagot ko naman kasi si Den yun, sinabi ko sa kanya na pagseselosin ko si Kim, pumayag naman hahaha. “Oh hi Den. Kamusta?” in my most malandi voice. Napansin kong tumingin naman si Kim. Sa kabilang linya tawa lang ng tawa si Den. “Oh ayos lang ako. Ikaw kamusta ka na?” (“Ayos an ayos whahaha. Oy ikaw na gumawa ng report ah.”) “Ou naman, sige sa Monday ah byee.” Binaba ko na. Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Kim, hawak hawak yung white flag niya. Inisnob ko lang siya. “You win.” He said and he waved it. Yes! “I'm sorry for what I did yesterday. But it was kinda true don’t you think?” and ayan na naman, lumabas na si Kim the mayabang! Hindi ko nalang uli siya pinansin, masisira lang yung concentration ko sa kanya. “Queen Elizabeth had so many men in court don’t you think?” he asked, nakita niya kasi yung ginagawa ko, kay Sir Robert Dudley palang ako. “Well reyna siya kaya madaming may gustong ma-involve sa kanya.” “Who do you think she loved most?” “Si Robert Dudley, siya yung first love ni Elizabeth eh, sabi nga nila first love never dies.” I answered his question, para talaga sa akin si Robert Dudley, diba kaya nga siya nagbago kasi nagtaksil si Robert sa kanya? He betrayed her. Ang mga taong sawi, gusto magbago para makalimot na sila sa sakit. “But it doesn’t mean she’ll never love any other man as much as she loved Dudley.” “But still your first love will always remain in your heart, no matter what happens, you will always love your first love, no matter how badly they hurt you, no matter how much pain and tears they put you through, you will always love them.” Sabi ko. “Deep.” Sabi ni Kim. “Who is your first love Mary? You always change the topic whenever I ask you.” My first love…. I smiled at Kim. “He’s gone.” Ang hirap parin palang sabihin ang mga salitang hindi mo pinaniniwalaan haggang ngayon, haggang ngayon sariwa parin ang sakit. Kim looked at me straightly as if asking me what I mean about what I said. “He was my best friend, simula bata palang kami, nandiyan na siya para sa akin, hindi siya nawala, he is my prince.” Sinabi ko. Louie…. My first love…. “Masakit. Kasi unfair niya masyado eh, hindi niya ako pinagready, nasanay akong nandiyan siya, hindi niya ako binigyan ng notice na mawawala siya. Siguro nga tama sila death comes unexpectedly.” Louie died. That’s why I hated that year, dahil nawala sa akin ang best friend ko. Our future was already planned, we’ll study at the same university sa college para magkasama kami pati course parehas, but I didn’t know na he was already planning his future alone. “Alam mo pa yung mas masakit? Ayun yung never mong nasabi sa kanya na mahal mo siya.” Hindi na napigilan ng mga luha ko. Niyakap lang ako ni Kim. “Ang daya niya diba? Sabi niya sa akin dati, hindi niya ako iiwan, siya bahala sa akin, ang daya kasi naging dependent ako sa kanya, kaya nung nawala nalang siya bigla, hindi ko alam gagawin ko. Ang daya niya, kasi siya nagready na pero ako hindi pa.” Ngayon ko nalang ulit nalabas yung sama ng loob ko simula nung namatay si Louie last November, ngayon ko nalang ulit… Napakasakit parin, kasi nawala si Louie eh. Ang saya saya pa namin nung araw na yun pero bigla nalang siyang nanghina, bigla nalang siyang namatay sa harap namin, sa harap ko. Hindi ako makagalaw nung mga oras na yun, hindi ako makalapit sa kanya, nakatayo lang ako sa harap nilang lahat, nakatayo lang at walang ginagawa, I was wishing it was only a dream. A nightmare. Pero hindi eh, nawala siya. At kahit kalian man hindi na siya babalik. “Sometimes it is better not to be ready. Maybe he had his reasons for not telling you, and maybe that is because he knew you’re vulnerable. And no one is ever ready to die, he just prepared himself for the worst and it happened. You may not have told him how you felt but I’m sure he knew, actions speak louder than words.” Kim comforted me. “Sana man lang sinabi niya sa akin diba? Best friend niya ako, I should be right there by his side pero no, he prepared alone, he waited alone, he was alone.” My first love is my best friend, and he will always be my best friend. I always thought that we were meant for each other, I always thought he’s the one, but I thought wrong. He left me. Louie died at the age of 15 because of brain aneurysms. Life is so unfair because he had a great future ahead of him but life took it away. “You love him.” Kim said, na para bang may sakit, na may hapdi sa mga boses niya. “I do, he will always have a space in my heart. And I believe that someday we will meet again and I know that he will be waiting for me.” I smiled at that thought. Kung kalian man yung muli namin pagkikita, alam kong hindi na kami magkakahiwalay pa. Louie will always be the man in my heart. The guy who first made my heart skip a beat, who first made me laugh and cry at the same time. He is my first love. “I wish I could be him but we’re different.” Kim started. “He left you but I will never leave you.” I looked at Kim’s eyes and he was sincere. He was serious. “I love you.” |
Chapter 8 - Meeting His FamilyIt was yesterday when Kim told me those three words, I was dumbfounded when he said those. Hindi ko alam ang gagawin ko. It was the first time na sasabihin niya sa akin yun.
Iba ang "I Like You" sa "I Love You" hindi ako makasagot sa kanya, ano ba ang tamang response sa ganun? Nung New Year lang kami nagkakilala and mag ma-March palang and I love you na agad? I don't feel the same way. Buti nalang dumating si Karl at ayun umalis na silang dalawa. Napagisip-isip naman ako pero kahit anong gawin ko, I cannot return those feelings yet. Pero now here I am sa tapat ng pinto ng bahay nila. Hindi ko alam paano ako napapayag na makapunta dito pero eto ako, Kim acted like he never said those words, back to normal siya. I want to try to be normal pero ang hirap. Binuksan na niya yung pinto at may isang maliit na bata ang tumakbo palapit sa amin, si Kim naman kinarga yung batang babae at inikot ikot sa ere. Tuwang tuwa yung bata. May lumabas naman from somehwere na middle aged woman na naka-apron pa, eto ba nanay niya? "Oni-sama." wow Japanese haha tawag nung batang babae kay Kim after niyang ibaba ito. "Kanojo wa anata no gārufurendodesu ka?" [Is she your girlfriend?] tanong naman nung bata. Hindi ko siya maintindihan! Medyo lang, sympre may kamag-anak din naman akong Japanese no! Well citizen ng Japan pero hindi naman dugong Hapon! Basta. Gets ko lang yung Oni-sama means kuya, kanojo, babae yun alam ko, anata-you? Lumuhod naman si Kim at nagsmile dun sa bata. "Kanojo wa mada watashi no gārufurendo, hime" Ehem... nag fake cough naman ako. Wala na kasi akong magets. Tumayo naman si Kim at nagsmile sa akin, tumingin siya dun sa middle aged na magandang babae. "Aunt, this is Mary." pakilala niya sa akin. Lumapit naman yung tita niya at niyakap niya ako. Please wag kang mag-Japanese please lang. "Naku buti naman at inuwi ka na ni Kim dito." Nagsmile nalang ako sa kanya. Tas yung batang babae naman hinila yung tela ng dress ko. Tumingin ako sa kanya at nagsmile siya din nagsmile. Lumuhod ako sa kanya para magkalevel kami. "Kon'nichiwa" bati ko sa kanya. "Can I call you onee-sama?" naku nag-eenglish pala to! Nagsmile nalang ako. Tas niyakap niya ako. "I'm Shizuka Annaliese Montenegro." she introduced herself to me. "But they call me Sam." "I'm Mary Zobel." Nakakatuwa lang ang family ni Kim, pinakilala niya din ako sa lola niya, Japanese ang lola niya, at yung bahay nila may part na traditional Japanese house at dun nagiistay ang lola niya. I learned that his parents are in New York, his mother is a doctor while his father is a businessman. I feel so welcome sa bahay nila, at napakasaya lang kasi yung tita niya ang bait bait sa akin, at puring puri ako, keso daw mas ok daw ako kaysa sa ever so maarteng Angel. Angel is Kim's frist girlfriend, ewan nagulat ako nung nalaman kong first lang, kasi diba? Mukha siyang playboy! Jock kumbaga. Nakita ko naman si Angel sa picture and well maganda nga siya, mas matured tignan at elite na elite. Kung first girlfriend yun ni Kim, meaning siya din yung first love right? "Mary hija come here!" pagtawag sa akin ng tita ni Kim na si Aunt Elise. Nasa kitchen kasi sila ni Sam ang ever so cute na bunsong kapatid ni Kim. Pumunta na ako sa kanila at nakita ko naman na nakaharap sila sa laptop. Parang may kausap kasi si Sam masyadong makulit habang nakapatong sa counter. "Mommy she's here!" sabi ni Sam. Mommy? "Mary come here dali." sabi naman sa akin ni Tita. Pumunta naman ako at nagulat ako dahil sa screen nandun yung isang napakagandang babae at sa gilid naman ay andun yung napakagwapong lalaki. "Hello po." bati ko sa kanila. Meet the parents the Montenegro style? Where's Kim anyway? "Oh you must be Mary, nice to finally meet you Mary." sabi nung nanay niya. "I'm Ian's mother Sachiko, you can call me mom." sabay wink. "And I'm Kevin's father, Richard, and you can call me dad." segway ng daddy ni Kim, nasa magkaibang place sila ng asawa siya, si Tita nasa hospital while siya sa office niya. Nagkwentuhan lang kami, nakwento din ni Uncle Rick na nakasama nga niya si papa sa bundok dati yung nangangaso sila. Friends pala sila kaya kilala din niya si mama ayun yung kabataan days nila. Dumating na si Kim, may dala dala siyang pagkain, bumili ata siya ang dami niyang bitbit eh. Tinignan niya ako at nagsmile naman ako sa kanya, kakwentuhan ko parin kasi yung parents niya, super feeling close na nga ata ako eh. "Mary sorry I have to go." sabi ni Aunt Sachi sabay tingin sa pager niya. "Talk to me soon ok?" Nagpaalam na ako sa kanila at dun natapos ang meet the parents ala Montenegro style. Nagayos si Kim ng table kaya tinulungan ko na siya. "Pasensya na Mary ah, wala kaming maids kaya ko naman kasi ang bahay eh." sabi ni Tita. Ayun nga wala silang maids pero may weekly cleaner daw na dumadating para maglinis ng bahay nila. "Sam, call your oba-sama and we'll eat na." utos ni Tita kay Sam, si Sam hindi talaga siya marunong magtagalog, nasanay kasing English ganun din naman si Kim eh pero etong lalaking to marunong naman maarte lang. Patakbong umalis si Sam. "Sam no running." saway naman ni Tita. Kapatid siya ni Uncle Rick at wala pa siyang asawa devoted aunt nga daw siya eh. At parang mga anak na daw niya sila Kim. Dumating na yung lola nila. At umupo. "Mary sorry kung take out pinapakain ko sayo ngayon ah? Hindi kasi ako prepared at hindi pa kami nag-grogrocery ni Sam." "Naku ok lang po." sabi ko at umupo na din ako katabi si Kim. Kumain na kami at ayun nagkwentuhan lang kami. Nagpaalam na din ako at umalis na kami ni Kim, sa Manila na niya ako iuuwi dahil may pasok na bukas, habang nasa byahe tahimik lang si Kim, kanina pa niyan. "I am serious Mary." bigla siyang nagsalita. "I'm serious with what I said yesterday." My God eto na naman ang bilis ng tibok ng puso ko. "Kim...." "You don't have to answer me just yet. I just want you to know that I love you and I won't be going anywhere." Sige ako na kinikilig sa kanya. "Thank you Ian." sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nagsmile. "Don't call me Ian or else I'll call you Rose." "Magtagalog ka muna haha." sabi ko "Alam mo nasa Pilipinas kayo pero hindi kayo nagtatagalog, aren't you ashamed of yourself? Si Sam walang alam na words, paano na pag pumasok siya?" sermon ko sa kanya. He chuckled. "Sam is already studying baka." he said. "Hoy sinog stupid ka diyan!" saway ko. "Weh? Edi dapat diba marunong siya magsalita ng Tagalog?" "She's studying in an international school." sabi ni Kim "And they don't teach Filipino. It's an exclusive school." Nagkwento kwento pa siya about sa family niya, sympre kilala niya yung akin kaya dapat ako din. Nasa tapat na ako ng bahay namin at lumabas din si Kim. "Mary, I love you." he said seriously Feeling ko pulang pula na ako. Pinalo ko siya sa braso niya. "Manahimik ka." I said "I'll wait for you to say those words to me too." he chuckled. "Good night." "Night. Ingat sa pag-uwi." And the unexpected thing happened. I kissed him sa cheeks lang sympre. Pero gulat na gulat siya at namula ang loko! Binuksan ko na yung gate at pumasok na napakalakas ng tawa, namula si Kim, si Kim nagblush hahaha. Pero hindi ko alam kung bakit ko siya kiniss. Is there something wrong with me? |
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.