Chapter 9 - I should have let you goMary’s POV
One month na kami ni James medyo ok naman kami, I mean masaya ako kapag kasama ko siya mahal ko eh pero sometimes I feel that it’s not enough. Paano ko ba makukuha ang puso niya? I decided to go out and buy a gift for James, one month na kami at diba ganun naman dapat, we'll give each other gives every month to celebrate? Nakasakay na ako ng kotse nang tumawag si Jewel sa akin “Hello?” (“Alis tayo.”) pag aaya niya. (“Si Love kasi diba may date kaya alis naman tayo.”) sabi niya. Napatigil naman ako sa ginagawa ko, si Love may date, date nila ni Gab na sinabi k okay Gab dati, si Gab na hindi na ako kinakausap, bakit ganun all I ever wanted was James to love me, to see me pero bakit kailangan mawala si Gab kapalit si James? “Aalis ako ngayon, diba monthsary namin ni James bukas? So ikaw nalang bye.” Pag kasabi ko nun binaba ko na yung phone ko “Manong tara na.” sabi ko sa driver ko. Naglakad lakad lang ako sa mall, dati hindi ko kayang mag mall magisa kasi feeling ko nakatingin yung mga tao sa akin kaso nasanay na ata ako. Tumitingin lang ako sa mga shops, ano kaya ang magugustuhan ni James? Mga hapon na din nung nagpasya akong pumunta dun sa may seaside, maganda kasi dito, gusto kong makita yung sunset ngayon, ewan ko ba pero parang hindi ako makapakale na para bang may gumugulo sa isip ko. Naglakad lakad na din ako, sana magustuhan ni James yung watch na binili ko para sa kanya, napansin ko kasi hindi siya nagsusuot ng watch kaya binilhan ko siya, buti nalang at nakaipon ako ng pera pambili nito. Habang tinitignan ko yung paper bag na laman na relo may nakita ako through my peripheral vision, I saw a guy kissing someone. I turned myself to their direction and tears just started falling. I couldn’t move para bang nadikit yung paa ko sa lupa, my eyes were getting blur but I can still see them kissing passionately. Yung taong mahal ko. Yung taong sinabing hindi na niya ako sasaktan eto ngayon may halalikan na iba, in the arms of an another woman. I don’t know what happened to me bakit nagkakaganito ako, gusto kong lumayo pero hindi ko magawa, ano bang dapat kong gawin ngayon? Puntahan sila? O umalis nalang at magpanggap na walang nakita para hindi niya kailangan pumili? Pero as if my feet has its mind of its own, I walked towards them, malapit na malapit na ako sa kanila, I couldn’t utter a word. Then biglang dumilat si James and he saw me. Tinulak niya yung babae “Mary.” He said at napatayo siya ng maayos, yung girl naman ay tumingin sa akin at she rolled her eyes. Maganda siya. Hinawakan niya sa braso si James. Ang sakit napkasakit kasi mahal na mahal ko si James, bakit ba ganito? Alam kong hindi niya kayang kalimutan agad si Alyssa pero to cheat on me? “Anong ginagawa mo dito?” he asked me in a very cold manner. Hindi niya tinanggal yung kamay nung babaeng nakapulupot sa kanya. “Nikka go first I’ll follow you later.” Sinabi niya dun sa babae, so ano yun? After niya akong kausapin aalis din siya at susundan yung babae? Nagsmile naman yung girl at humalik sa cheeks ni James, napaiwas ako ng tingin kasi ang sakit eh, bakit wala akong lakas na alisin siya kay James, bakit hindi ko kayang lumaban? Bakit napakahina ko? Dumaan sa harap ko yung babae at nung nagkatinginan kami ang sama ng tingin niya at nag smirk siya sa akin. I wanted to slap her pero hindi ko kaya. Napakahina ko. Tears were still falling. I just couldn’t stop them. Hindi parin ako makaimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano bang tamang sabihin. Napakasakit. “Anong ginagawa mo dito?” inulit niya yung tanong niya sa akin. Pinunasan ko yung mga luha ko at I forced a smile “Ah bumili kasi ako ng regalo. Si-sige una na ako James.” Nasabi ko at tumalikod na ako sa kanya, hindi ko kayang kausapin siya napakasakit kasi eh. Nagulat nalang ako kasi hinigit niya yung kamay ko “It’s not what you think it is Mary.” Pagpapaliwanag niya. Humarap ako sa kanya at tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko “So you’re not cheating on me?” I asked him, medyo nasasaktan no not medyo nasasaktan ako ng sobrang it’s not what I think it is? Ano yun nagtutukaan lang sila dahil bored sila? “James you promised me.” I cried. “Bakit ganito James? I am trying so hard to make you love me kahit masakit kinakaya ko James pero to fool me like this? Ano ba talaga ako James?” I asked. He tried reaching for my hand but I pushed his hand away “Mary hindi kita niloloko.” “So natural na pala yung makikipaghalikan no?” I said sarcastically. “Ok sana James eh kung hindi mo magawang kalimutan si Alyssa eh, ok lang pero James sabi mo you will try to love me pero bakit sa iba ata yung natutunan mong mahalin.” Am I not enough for him? Ano bang kulang sa akin at ganyan siya? Bakit lagi nalang akong nasasaktan. “Hindi ko siya mahal, it will always be Alyssa.” Yung pagkasabi niya nung mga katagang yun, parang bumagsak na talaga ako, it will always be Alyssa eh peste naman oh so yung isang buwan na paghihirap ko wala lang? “I feel so stressed kaya inayaya ko si Nikka umalis, I feel suffocated when I’m with you Mary.” Pinikit ko yung mga mata ko, hindi ko na kaya napakasakit na talaga “James you should have let me forget you.” ang sakit dapat pala hindi nalang ako pumayag sa kanya, dapat pala kinalimutan ko nalang siya. “Mas masakit to James eh, kasi pinatunayan mo lang na kahit kalian hinding hindi mo ako matututunan na mahalin, na kahit anong gawin ko wala lang ako para sayo.” “I’m sorry Mary.” “What’s the use of you saying sorry when I’m already hurt? Dapat James hindi ka nagpunta sa akin eh, you should have stayed away from me, sabi ko dati ok lang magpaka-martir kasi mahal naman kita eh, kakayanin ko pero James I have enough.” “No please Mary let me fix this.” Kahit anong gawin naman ni James hindi na maaayos tong pusong to eh. Durog na durog na pati pagkatao ko nadurog na din. “Ayoko na. If you feel suffocated with me then maybe it’s time to leave.” I said and looked at him in the eyes. Mamimiss ko siya pero eto ang tama, eto dapat ang ginagawa ko dati pa, dati na hindi pa ganitong durog na durog na ang puso ko. “I should have let you go that day.” I said. Napakasakit kasi ng lahat eh, mahal na mahal mo siya pero hindi pa pala sapat yung pagmamahal mo kasi kahit kalian hindi mo kayang palitan yung taong nasa puso niya. Kahit kalian hinding hinding magiging ikaw you will always be the last person. “I’m sorry James if I can’t make you happy. But good bye now James.” I forced a smile and walked away. Hindi ko kaya. Tama nga ba ang ginagawa ko? Napakasakit kasi eh. Wala akong pupuntahan dahil wala naman nakakaintindi sa akin eh, wala na akong taong mapupuntahan para iyakan, para sandalan. Dahil sa aking pagmamahal kay James nawala si Gab sa akin. At ngayon hindi na siya babalik, dahil diba sabi niya dati wag daw akong pupunta sa kanya? ang sakit kasi wala akong kaibigan na mapuntahan. May nabunggo ata ako at napaupo ako sa sahig, tatayo na sana ako kaso napakasakit talaga, umiyak nalang ulit ako “Mary?” nagulat nalang ako at may nagabot nung kamay at tinawag ako, tinignan ko kung sino, si James? No hindi si Harry. Yung kambal nung taong nanakit sa akin ng sobra. Tinayo ako ni Harry nakita ko naman na kasama niya si Camille. “Ok ka lang?” tanong niya sa akin. “Yeah I’m fine.” I lied at pinunasan ko yung mga luha ko, bakit ko sasabihin sa kambal ni James na hindi ako ok? Para saan pa diba? “Sige Harry una na ako.” Sabi ko at naglakad papalayo. “Wait, sure ka bang ok ka lang? Gusto mong tawagan ko si James para sunduin ka?” Lumingon ako sa kanila, mukhang worried si Harry ganun din si Camille. “Ou nga Mary baka mapano ka. Harry tawagan mo na si James.” Sabi ni Camille. I forced a smile “I’m fine. Wag niyo ng tawagan si James, we broke up.” I said at umalis na ako. Naglakad lakad lang ako, ayokong umuwi dahil tiyak magagalit na naman sa mama kasi umiiyak na naman ako, gusto kong makalimot so I hailed a taxi and went to a bar, the bar where I first met Gab. Uminom nalang ako, I was not like this before I met James, hindi ako umiinom, pero wala akong karamay, alam kong hindi nakakatulong yung alak pero wala naman akong magagawa eh. Bakit napakasama sa akin ng buhay, nagmahal lang naman ako ah pero bakit ganun bakit lagi nalang akong nasasaktan? I was about to drink the other glass when someone took it from my hand. Nagulat ako at tinignan ko kung sino, siya, yung taong nandiyan palagi sa akin, nandito siya ngayon. “Diba sabi ko wag kang iinom?” he asked furiously. Galit siya. Pero niyakap ko lang siya “Gab akala ko mawawala ka na din sa akin.” I said pero hindi parin ako umaalis sa pagkayakap ko sa kanya I missed him. “Gab sorry hindi ako nakinig eto ngayon nasasaktan ako. Gab napakasakit na.” He patted my back “Shh… sorry nawala ako sa tabi mo. I should have not stayed away. Sorry. Tara na I’ll bring you home.” Sabi niya Tumayo na ako pinunasan niya yung mga luha ko at inayos niya yung buhok. He kissed me in the forehead and I felt safe. Naglakad na kami palabas ng bar na magkahawak ang mga kamay. Masakit parin at alam kong hindi na ito hihilom pa, pero ngayon natutuwa ako kasi may taong handa akong damayan sa mga sakit na iniwan sa akin ni James. Maybe it was wrong to love someone so much when you know that he won’t ever give a damn about your heart. Maybe it was wrong to trust someone who couldn’t forget, someone who couldn’t let go. I was so wrong with loving him but I can’t seem to stop my heart from loving him. Bakit nga ba at ikaw lang ang mahal ko James? |
Chapter 10 - Please heart follow what mind wantsJewel’s POV
Minsan hindi natin alam kung kalian tayo titigil. Titigil sa pagmahal sa isang tao na kahit kalian hindi naman tayo ang minahal. Tulad ko ngayon hindi ko alam kung tanga ba ako talaga o nagtatangahan nalang ako. Alam ko naman na masaya siya sa piling ng iba pero bakit hindi ko siya magawang limutin? Bakit kahit anong gawin ko siya at siya parin? Nilibang ko ang sarili ko, naghanap ako ng mga bagong crush pero sa huli siya eh. Nakakainis kasi nasasaktan ako pero hindi ko magawang kalimutan siya. Mahal ko siya. Gusto ko man na kalimutan siya hindi magawa ng puso ko. Eto ako nakahiga sa kama ko, Sunday ngayon at wala akong magawa kasi nga Summer na at wala ng pasok! At napakaboring sa bahay. Inaya ko si Love umalis pero nabigla ako kasi sabi niya may date sila ni Gabriel. Mukhang umuusbong ang love life ni Love at lumelevel up na. Una sa chat sila tas ngayon date naman wow. Pero I can’t help but wonder paano na si Mary? Eh halata naman na may gusto si Gabriel kay Mary eh sinabi din ni Love sa akin yun. Pero may boyfriend na si Mary at si James yun. Masaya ako para kay Mary, kasi diba since August last year gusto na niya si James at ako ang naging dahilan kung paano sila nagkakilala I mean dahil kakambal siya ni Harry. Diba nga pangarap pa namin ni Mary na maging sisters-in-law kami. Pero mukhang hindi ako ang sister-in-law niya eh. L I know may flaws si James pero sabi naman niya he’s trying. At I believe kaya niya. Close ako kay James ewan ko pero magaan kasi kausap. Oh don’t think about anything we’re just friends, I mean duh dapat magiging brother-in-law ko siya kundi lang dumating si Camille. Ok bitter na naman ako. Kasi naman eh. Bakit pa may Camille pa na gumulo sa love story dapat namin ni Harry? Tinawagan ko naman si Mary kaso sabi niya aalis din siya, bibili ng regalo para kay James. One month na pala sila. Kaya ang ginawa ko, ako nalang magisa ang gumala, naglibot-libot lang ako sa mall. Hindi ko na nga namalayan ang oras dahil kain lang ako ng kain. Sorry depressed ako ngayon. Lumabas na ako sa ice cream shop na kinainan ko, at naglakad-lakad tingin tingin lang din sa mga bintana ng mga boutique at nagulat ako kasi nung tumingin na ako sa harapan ko nasa harap ko na sila Harry at Camille, holding hands <//3 Nagulat din ata sila. Tas binitawan ni Harry yung kamay ni Camille. Lumapit sa akin si Camille “Jewel anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin. bakit bawal na bang mag mall? “Ah naglilibot lang. May date kayo?” tanong ko sa kanya at lumapit na uli siya kay Harry at kumapit sa braso nito. Todo smile siya at si Harry ayun parang estatwa lang “We’re celebrating kasi eh.” Sagot niya. “Ng ano?” tanong ko kahit deep inside alam ko na yung sasabihin niya. “Sinagot ko na kasi si Harry kahapon kaya eto.” And with that my world just fell. “Really? I’m happy for the both of you.” I sounded excited but deep inside I was so hurt. Ang sakit. Alam ko naman eh. Alam kong mangyayari din to kasi diba nililigawan siya ni Harry? At masaya sila? Alam ko to pero masakit parin pala. “Thanks.” Sagot ni Camille. “Harry batiin mo naman si Jewel kanina ka pa walang imik diyan.” Pag saway niya kay Harry na nakatingin sa akin kaya nginitian ko siya. Ngiti na hindi bukal sa loob ko. Gusto ko ng umiyak pero hindi pa pwede. “Jewel.” Sabi naman ni Harry. When I heard his voice lalo akong nasaktan kasi gustong gusto ko yung pagtawag niya sa akin pero minsan ko lang naman marinig yun eh. Ni-ready ko naman ang sarili ko eh pero bakit ganun masakit parin? “Ay guys. Una na ako ah may pupuntahan pa kasi ako eh.” Sabi ko at hindi ko na sila hinintay na magpaalam at tuluyan na akong tumalikod sa kanila at dahil nagmamadali ako at blur na ang paningin ko may nabunggo ako. “Jewel?” sabi nung lalaking nabunggo ko. Kilala niya ako? Tumingin ako sa kanya at nakita niya yung mga luha kong nagbabadyang tumulo. At bigla niya akong niyakap “Ruben.” Pagtawag ko at hinayaan ko nalang na yakapin niya ako. Haggang kalian ko kakayain? Haggang kalian ko siya mamahalin? Gustong gusto ko ng siyang limutin. Dahil nasasaktan ako. Ayoko na eh. Dahil talo naman ako eh. Bakit ganun masama bang magmahal? Bakit napakasakit magmahal? Ganun ba talaga yun? Akala ko mararanasan ko yung sinasabi nilang nothing but pure happiness yung bliss pero wala panay sakit ang naranasan ko. Puso? Kalian ka ba mapapagod magmahal sa isang Harry Naval? Haggang kalian mo ba siya kayang mahalin? Haggang wala ng natira sayo? Dahil pira-piraso na? Puso, gusto ko ng makalimot pwede makisama ka naman ngayon? If only I could teach my heart to follow what my mind wants then maybe I’m not hurting anymore. Harry’s POV Nagulat ako dahil nakasalubong namin si Jewel. Yung nakita ko siya parang tumalon yung puso ko. Ewan ko ba. Masaya ako kasi sinagot na ako ni Camille pero alam naman natin na mas mahal ko si Jewel sa kanya. Pero kahit anong gawin ko hindi ako ang mamahalin niya. Hindi ako ang makakapagpasaya sa kanya. Tignan mo masaya pa nga siya para sa amin ni Camille eh. Pero bakit yung mga ngiti niya iba? Bakit ibang iba siya sa mga ngiting nagustuhan ko sa kanya? Tas umalis na siya ng hindi nagpapaalam. May nahulog siya sa lapag kaya pinulot ko, bracelet niya siguro at natanggal kanina nung niyakap siya ni Camille. Kaya nagmadali akong sundan siya at nagulat nalang ako dahil may kayakap siya. Ayun yung Ruben yung dati. Ang sakit. Bakit ganun sobra akong nasaktan. Mahal na mahal ko siya pero hindi niya ako mahal. Siguro nga tama lang na ibigay ko kay Camille ang pagmamahal ko. Siya naman. Tinago ko sa bulsa ko yung bracelet niya nung naramdaman si Camille. Nakatingin din siya kayla Jewel “So sila na pala ni Ruben.” Sabi niya habang nakatingin parin dun she smiled. “Bakit? Nangligaw ba yung Ruben?” tanong ko kasi sympre naiintriga ako. “Ata. Yung last day ng exam namin, biglang dumating si Ruben may dalang bulaklak at teddy bear so baka nga.” Sabi niya at tumingin siya sa akin at nagsmile lang. Ngumiti din ako sa kanya. Si Ruben yung mahal niya. Napansin kong umalis na sa pagkayakap si Jewel dun kay Ruben tas parang hinawakan ni Ruben yung mukha ni Jewel na may panyo pa, pinunasan niya? Umiyak ba si Jewel kaya siya niyakap nung Ruben? Nakita ko din na tumingin si Jewel sa ceiling tas ngumiti siya habang pinupunasan yung sa part ng mata niya. Bakit ka umiyak Jewel? Pinaiyak ka ba ni Ruben? Jewel sabihin mo lang gagawin ko ang lahat para mawala yang mga luha mo. After nun naglakad kami ni Camille sa may seaside at nagkukwentuhan lang kami pero sa loob loob ko iniisip ko si Jewel. Bakit parang naging uneasy ako nung parang umiyak siya. Bakit siya umiyak? Tas siguro dahil nga sa malalim ang iniisip ko may nabunggo ako at napaupo ito sa sahig at umiyak? Tas tinignan ko ng mabuti si Mary. Bakit siya umiiyak? “Mary?” pagtawag ko sa kanya at inabot ko yung kamay ko para tumayo na siya. “Ok ka lang?” tanong ko sa kanya nung natayo ko na siya. I can see pain in her eyes. Nasasaktan siya pero bakit akala ko ba ok na sila ni James? “Yeah I’m fine.” Sabi niya at pinunasan ang mga luha pero bakit hindi convincing na ok lang siya? Bakit nagkakaganito siya ngayon? “Sige Harry una na ako.” Sabi niya at naglakad na “Wait sure ka bang ok ka lang? Gusto mo tawagan ko si James para sunduin ka?” tanong ko sa kanya. sympre worried ako sa kanya, kahit papano naging malapit ako sa kanila nila Jewel. Lumingin siya pero hindi siya umimik. “Ou nga Mary baka mapano ka.” Sabi ni Camille “Harry tawagan mo na si James.” Sabi niya sa akin. alam kong medyo naging magkaibigan din tong dalawa kasi sympre classmates sila at minsan magka-group pa. kaya alam kong worried din si Camille. Ngumiti siya pero parang pilit naman eh “I’m fine. Wag niyo ng tawagan si James, we broke up.” Pagkasabi niya nun ay umalis na siya agad agad. Hindi pa nagsisink in sa akin yung sinabi niya. Wala na sila ni James? Akala ko ba ok sila? Pero bakit nag break sila? “Harry? Sa tingin mo totoo yun?” tanong ni Camille. Anong ginawa mo James? “Teka Camille tawagan ko muna si Jewel para puntahan si Mary.” Sabi ko at tinawagan ko na nga si Jewel. Mga ilang ring sinagot din niya (“Hello?”) “Jewel, nagbreak si Mary at James at umiiyak si Mary nung nakita namin baka mapano.” Sabi ko. (“Huh? Kanina lang masaya si Mary ah? Asan ba kayo?”) tanong niya halatang nagwoworry na din siya “Sa may seaside. Pumara ata ng taxi si Mary eh. Nakauwi ka na ba?” tanong ko (“Ah hindi pa. Harry sige ako ng bahala kay Mary tatawagan ko nalang si Gabriel. Sige Harry thank you sa pagsabi.”) sabi niya at binaba na niya yung tawag. Kailangan kong makausap si James. Nung huli kaming nagusap ni Alyssa sabi niya bantayan ko si Mary kaya dapat kahit kambal ko pa si James, oras na malaman kong siya ang may kasalanan patay siya sa akin. kawawa naman kasi si Mary eh. Lagi nalang siyang nasasaktan. James is not worth of those tears. Jewel’s POV Kasama ko ngayon si Ruben ewan ko kung anong nagyari basta basta nalang akong sumama at kumakain kami ngayon. Nakakahiya nga kasi naiyakan ko siya at basa yung shirt niya. Tas tumawag pa si Harry nagulat ako pero nung sinabi niyang nagbreak si Mary at James mas lalo akong nagulat at natakot para sa kaibigan ko. Kaya binaba ko agad yung tawag at tinawagan ko muna si Love kasi nakakahiya naman kung kay Gabriel ako tatawag mismo. Tanungin pa nun paano ko nakuha at baka hindi sagutin. Yung sinagot na niya, sinabi ko para kay Gabriel at una ayaw niyang bigay kasi nga daw nakakahiya pero binigay din niya. Hindi ko alam kung bakit si Gabriel agad ang naisip kong tawagan lalo’t na sinabi niya kay Mary na wag itong iiyak babalik sa kanya. Pero siya lang kasi yung alam kong makakakita kay Mary, hindi uuwi yun. (“Hello?”) pag sagot ni Gabriel, ang gwapo ng boses ano ba Jewel. “Umm… Gabriel si Jewel to kaibigan ni Mary…” medyo nahihiya pa kasi ako eh. (“Kilala kita. So ano nga?”) teka kilala niya ako kyaa Pero hindi ito oras para sa kalandian k okay Gabriel haha. Oras ni Mary. “Gabriel kasi nagbreak si James at Mary at umiiyak si Mary kanina.” (“ANO?”) napasigaw na siya “Umm.. nagbreak sila. Kaya kung pwede lang hanapin mo si Mary kasi natatakot ako para sa kanya.” sabi ko (“Oh sige sige. Ako na ang bahala. Hahanapin ko.”) pagkasabi din niyang yun binaba na niya I wish Mary’s all right Ano na naman kayang ginawa ni James! Kahit pa kambal siya ni Harry patay siya sa akin bukas! Tama nga si Love, maling mali na pinaubaya si Mary kay James. |
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.