Chapter 9 – Love is sweeter the second time around?
Time does fly. Parang kalian lang nung first day ng class last year tas ngayon March na at practice nalang para sa recognition. Nakakatuwang isipin na ang dami din nangyari simula naging third year ako.
Naglalakad na ako papunta sa high school library dahil ngayon yung deliberation kung ano ang mga awards na matatanggap ng mga honors. Excited na ako kahit alam kung nasa top 5 lang ako at wala akong makukuhang awards ok lang yun at least na-maintain ko yung pagiging honor ko since first year diba? First year. Napangiti ako ng maalala ko ang pagiging first year ko, una nakakatakot, natuto akong masaktan at magbago at dahil sa nagsaktan ako, lalo pa akong lumakas. Kamusta na kaya siya? “Ahhh.” Nagulat ako nang may humigit sa akin at nagtago kami sa may fountain, nasa labas pa kasi ako ng high school building kakagaling lang ng gym dahil kakatapos lang ng practice at deliberation na. Nang huminto ito sa paghatak sa akin, tumingin ako sa kanya, isang lalaking naka-black na leather jacket, naka-cap din at nakashades ata, nakatalikod kasi siya sa akin at nakatingin siya sa may mga naglalakad, yung mga batchmates ko! -____- At laking gulat ko nung lumingon na siya sa akin. Bakit siya? Bakit andito siya? Anong ginagawa niya dito? Bakit niya ako hinila? Ano naman pakana to? Pero grabe ang tagal ko ng hindi siya nakikita... “Kuya Ash.” Pagbati ko sa kanya, simula nung naging sila ni Rachelle, hindi ko na din siya tinawag na Ash, I started calling him Kuya Ash, ayoko na kasing umasa pa, kaya nilagay ko sa lugar yung sarili ko, he’s my senior. Huli kong kita sa kanya ay nung humiling pa ako ng sign at nagpakita nga siya, ganito din ang outfit niya nun, but he’s two months late, hiniling ko kasi ulit na makita ko ulit siya last January 26 pero diba si Kim ang nagpakita sa akin. Ngumiti siya sa akin, how I miss those smiles. “Yo!” sabi niya “Kamusta?” he asked me like nothing happened. Ganito naman siya eh, lagi nalang, hindi niya siguro alam na nasaktan ako dati pero nahalata niya dati na umiiwas ako, kaya siguro naging off din siya sa akin pero nagiba ulit siya at he pretended that nothing happened at pinipilit niya na parang close parin kami. “Ok naman. Kuya Ash una na ako ah may deliberation pa kami eh.” Sabi ko, ayoko na kasi masyadong maka-usap siya, ok na ako nung nakita ko na siya. Palakad na ako palayo nang nagsalita siya “Balita ko may nangliligaw sayo ah.” Napatigil ako sa paglalakad. Paano niya nalaman yun? Lumingon ako sa kanya. “Si Beverly, sinabi niya sa akin.” Pagpapaliwanag niya, si Beverly? Girlfriend ni Den? Paano nagkakilala si Ash at si Beverly? Ay sympre schoolmate? Baka classmates sila? Tumingin ulit ako sa kanya na parang nagtatanong. “Cheerleader si Beverly diba? Basketball.” Pagsasagot niya sa katanungan ko. So naglalaro parin siya ng basketball, naalala ko tuloy yung mga panahon na pinapanuod ko siya, lalo na nung pinapanuod ko siya habang si Rachelle todo suporta sa kanya noon, tiga punas pa ng pawis, hiniling ko din dati na sana ako nalang yung nasa pwesto ni Rachelle na ako nalang yung pinili niya sana. Pero haggang pangarap lang ako. “So meron nga?” pagtatanong niya. Ngumiti nalang ako para sa sagot “Kuya alis na ako. See you.” paalam ko at naglakad na “Don’t call me Kuya, it’s unfair.” Nagulat ulit ako kaya napatigil ako pero hindi ko siya nilingon “Madaya kasi sila Carlos, walang kuya pero bakit sa akin may kuya pa?” tanong niya, si Carlos ay bacthmate niya dito, close ko ewan ko paano pero close kasi ako sa mga seniors at yung iba walang galang ang tawag ko sa kanila. Ewan basta. “Oh Ash see you.” sabi ko at naglakad. Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko nga siya malapit na sa akin “Samahan mo muna ako, we’ll catch up.” Sabi niya at sabay hatak sa akin palabas ng school, may secret alley kasi sa may school not really a secret alley pero walang bantay pero uwian ko na naman eh bakit ko kailangan dumaan dito? Ang secret alley ang pinapamana ng mga seniors sa juniors kaya alam namin tong alley na to. Ang galing lang nga eh. “May deliberation pa ako…” sabi ko habang kami ay lumalabas. “Top 3 ka. Best in conduct, best in Science, Christian Living, at History.” Sabi niya. Weh di nga? Paano niya nalaman eh ako nga na tiga school hindi alam siya pa? Pero weh Top 3 ako? Nakarating na kami sa may tapat ng isang motor, nagulat ako nang hagisan niya ako ng helmet. Meaning isasakay niya ako sa motor niya? Yayakap ako sa kanya? Kyaaa.. I’m not a demure type of girl, why try hard to be one kung hindi naman diba? Yung mga ibang babae diyan, pakipot pa, kunyari ayaw sumakay sa motor kasi baka mamatay sila or whatever pero ako? No. I like exciting things at bakit pa ako magpapakipot eh gusto ko naman, ganun din yung pa-demure na babae pakipot pero deep inside gustong gustong makasakay para libreng yakap din whahaha. Sinuot ko na yung helmet at sumakay na din ako, I really like this kind of things, nakaka-thrill kasi, pwera lang ang heights takot ako dun kaya I won’t ever ride mga rides na nakakatakot at matataas, dun ako pakipot haha. “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya? Pero hindi siya nagsalita “Ash balik mo ako ng school bago mag three ah? May mass ngayon.” Paalala ko sa kanya, tuwing Friday kasi may mass sa school kasi nga Catholic kami kaya weekly ang mass, dati nga daily yan eh at per class at sa chapel lang pero ngayon weekly nalang at lahat ng students sa simbahan na. Kasi nagreklamo ang PTA, ou nga naman one hour ang mass so bale nakukuha nitong time one and a half hour, kaya lalong matagal ang uwian, kaya ginawang every Friday. “Ok.” Sabi lang niya. “Paano mo nalaman yung sa deliberation?” tanong ko sa kanya, medyo hinigpitan ko yung yakap ko kasi medyo bumibilis siya kasi nasa may high way na kami ngayon. “Tinanong ko kay Payat.” Sabi niya, he’s referring to Ms. Leslie, TLE teacher ng third year at fourth at siyang nagaayos ng recognition. Close kasi ang mga to sa kanya. “Best in conduct na pati ba naman Christian Living kinuha mo?” sabi niya may tonong nangaasar pa. Pinalo ko nga siya kasi eh nangaasar na siya pero nakakamiss din pala siya talaga. “Grabe ka naman. Parang hindi mo ako kilala tahimik lang ako ah.” Sabi ko. Actually maingay ako sa classroom eh, isa din akong pasimuno ng ingay sa classroom minsan sa hall naming juniors at minsan sa seniors, kasi yung mga boys na maiingay tropa ko yun haha. Pag CL maingay din ako noh, it’s not about kung tahimik ka, kung perfect mo naman ang quizzes at exam mo edi may chance diba? At isa pa sipsip ata ako sa mga teachers haha. Kaya nga kahit nakikisama ako sa gulo, never pa akong naguidance, tropa ko din ang mga counselors. “Dati. Nagbago ka kaya.” He said parang may magsisisi pa sa tono. Ewan. Tama nagbago ako dahil sa kanya, ayoko na kasi yung pagiging prim and proper ko dahil diba kaya daw niya ako hindi nagustuhan ay mali kaya daw hindi siya nag take risk because I was too reserved? “Everyone change pag nasa high school. Mas gusto ko nga tong active na ako eh. Mas masaya sa buhay!” sabi ko “Mas gusto mo ba yung prim and proper Mary?” I asked him. Yes I like this me way better, hindi ko inaalala ang mga bagay bagay, I don’t have to pretend na demure ako, I don’t have to be prim and proper, I can be myself. Tumigil kami sa may park, sub nila to, bumaba na ako at siya din naman. “I like you no matter what you are.” Sabi niya. I think I blushed. Ang init ng mukha ko. Kaya lumayo ako at naglakad at pinaypayan ang mukha ko gamit ang kamay ko narinig ko naman na tumawa siya. Tinignan ko siya ng masama at tumigil siya sa pagtawa. “Tara dun.” Sabi niya sabay hatak ng kamay ko. Nagpunta kami sa may malaking bato at umupo dun sa damuhan. Tahimik lang kami ng mga siguro 5 minutes? “Sasagutin mo ba yung nangliligaw sayo?” bigla siyang nagtanong, tinignan ko naman siya at nakatingin lang siya sa malayo. Sasagutin ko ba si Kim? Two months ko na din siyang kilala at medyo close nga kaming dalawa, masaya akong kasama siya, napapatawa niya ako, naiinis din ako minsan sa kanya pero sa two months na yun handa na ba akong pumasok sa isang relasyon? Relasyon kung saan hindi ko pa siya mahal? Wala akong nararamdaman para kay Kim, that’s for sure, hindi ko alam kung bakit, am I still lingering over my past two loves? I will answer that with a yes. “Ewan.” Sagot ko “Ash, bakit hinayaan mong matanggal ka? It was not your fault.” Tanong ko sa kanya. He was expelled dati nakipag-away siya kayla Rey, nagkagulo nun sa hall naming mga second year sumugod kasi ang third year sa amin, sabi sa akin ni Den, nakaaway ni Ash yung gang nila Rey at dun nagsimula dahil binugbog ng gang ni Rey si Ash, sympre all for one ang motto ng batch nila Ash kaya sumugod sila sa amin. Ang daming nasira dahil pati pinto nasira. Grabeng laban yun nakakatakot nga yun eh. “Unlike you Mary, wala akong kapit. Galit sa akin ang adviser ko, may kaso na ako sa prefect at guidance.” Sabi niya. Medyo naguluhan ako dun sa walang kapit, bakit naman ako yung example niya? Hindi pa ako nagkakakaso sa mga office. “Unlike me?” I asked. Kasi kahit malakas ako sa teachers wala akong kaso para kapitan nila ako. “Your statement.” Sabi niya. “Sa statement mo, ako ang nagumpisa at walang kaalam-alam si Rey na gaganti ang batch ko, na nanahimik si Rey at kasama mo siya nung sumugob na kami, na muntik ka pang masaktan.” Dagdag pa niya “Dahil malakas ka sa school at PTA president ang mom mo at Rey was the one who protected you, they chose to expel me at suspension lang ang inabot ni Rey.” Dahil sa akin kaya siya na-expel? Dahil sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman yung totoo eh, magkasama kami ni Rey nun nasa stairs kami at nagkukwentuhan, sinabi niya na may binugbog na naman yung gang nila at pinapagalitan ko siya, sabi ko paano pag gumanti yung binugbog nila, hindi ko pa alam na si Ash pala yun, muntik na din akong matamaan ng baseball bat na papalo sana kay Rey, pinasok ako ni Rey nun sa St. Rita at dun nilock yung pinto at nasa loob kaming mga girls at mga boys na hindi nakisali sa gulo. “I’m sorry.” Medyo naluluha na ako kasi ayaw ko naman na umalis siya ng school eh. “Hindi ako nasaktan dahil na-expel ako, nasaktan ako kasi prinotektahan mo si Rey, at si Rey din yung nagprotekta sayo nung sa away, pero kahit anong galit ko, hindi ko magawang magalit sayo, nasasaktan lang ako kasi lumayo na nga yung loob mo sa akin, tas kailangan ko pang lumayo lalo na sayo.” Pagkukwento niya. Hindi muna ako nagsalita dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko eh. “Nung first year ka, unang kita ko palang sayo nagustuhan na kita, kaya nga sumali ako sa pageant na yun eh, hindi ko alam kung kalian kita minahal siguro nung sa library palang mahal na kita, at mali din pala yung mga chismis, kaya hindi ko sinabi sayo na ikaw ang mahal ko kasi kailangan ako ni Rachelle nung mga panahon na yun, pero Mary mahal kita kaya nung sinabi mo kayla Autumn na papanalunin ka ng mama mo ginawa ko din ang lahat para manalo din ako para maging partner parin tayo. Alam ko lumayo ka sa akin dahil kay Rachelle, nasaktan kita at patawad. Pero haggang ngayon mahal parin kita.” Tumingin siya sa akin. Yung mga tingin niya iba, para bang ewan, he’s sincere. Mahal niya ako? Napakasaya ng pakiramdam ko dahil mahal din pala niya ako. “Can you give me another chance?” Napatingin ako sa kanya. Another chance? Meaning mangliligaw siya sa akin? Pero sasagutin ko na siya agad agad mahal ko eh. Pero paano si Kim? Si Kim na sinabing mahal niya ako? Na hindi ako iiwanan? I’m torn between the two. Is it Ash, the guy I love and now is asking for another chance? Or Kim, the guy who loves me and told me he’ll wait and he'll always be around? |
Chapter 10 - CrazierMaybe they’re right. I’m crazy, I don’t know, I don’t get it. Bakit ganito? Ash asked me to give him another chance, I love him but why am I hesitating over my answer? Why am I thinking about Kim? Bakit nagdadalawang isip ako ngayon?
Two guys. But I only have one heart. Whom shall I give my heart to? I love Ash and I care for Kim, I can’t hurt Kim by saying yes to Ash but I don’t want to lose Ash anymore. Diba sabi nga ng sign na hiningi ko dati pag nagkita kami kami talaga, maybe kaya nung last year nakita ko si Ash kasi kami talaga ang para sa isa’t isa, madami lang pagsubok ang pinagdanan namin pero kami talaga. Mahal ako ni Ash, mahal ko din siya pero nasasaktan akong isipin na pwedeng mawala sa akin si Kim pag nagkataon na si Ash ang pinili ko. Am I really selfish because ayaw kong mawala silang dalawa sa buhay ko? Am I too greedy? I don’t know anymore siguro kung hindi sinabi sa akin ni Kim na mahal niya ako, siguro pinili ko na si Ash kasi mahal niya ako pero ngayon iba eh, Kim told me his feelings before Ash came along and asked for another chance. “Hindi naman porket mahal mo, siya ang nararapat.” Ayan ang sabi sa akin ni Karl nung tinanong ko siya kung siya ba ang papapiliin sa dalawang taong nagmamahal sa kanya. I tried to weigh things, I used pros and cons, but still I couldn’t choose. Ou sinaktan ako ni Ash dati pero may reason siya kung bakit kahit hindi ko alam din yung sinasabi niyang kailangan siya ni Rachelle, sinaktan ko din naman siya diba? Ako nga ang dahilan kung bakit na-expel siya eh. But I’m not saying na kaya lang ako nahihirapan pumili dahil parang I owe him one no, I love Ash, he’s my second prince. Si Kim, hindi pa niya ako nasasaktan siguro dahil kunting panahon palang kaming magkasama, kaya I don’t know him well. Si Kim na puno ng kayabangan, masaya ako kapag kasama ko siya. Naparamdam sa akin ni Kim yung saya simula nung nawala si Louie naging malungkot ako pero si Kim pinasaya niya ulit ako. Ugh I don’t know anymore. “Mary ikaw na ang next.” Paalala ni Sir Garcia, our music teacher. Tonight is our Music Concert, ito yung clearance ng third year at fourth year sa music. Madaming tumutol dito, sympre madaming walang kakayahan na kumanta at isa na ako dun, ang dami kong reklamo, nakarating pa ako sa principal pero sa huli eto ako kakanta dahil lang sa isang katangahan na ginawa ko. Kung hindi ako nagreklamo sa principal, hindi ako kasali sa set list ni Sir, dapat nasa backstage lang ako at isa sa mga directors pero wala nasira ko. Napakasama diba? Dahil ako ang pasimuno na mag reklamo ako lang ang pinarusahan ni Sir Garcia, feeling ko galit sa akin yan si Sir dahil pag music na automatic ang stomach ko, paano ba naman yung voice exercise namin super duper hirap, kaya kunyari masakit ang tyan ko. Lagi akong wala pag voice exercise, babalik lang ako pag nagtuturo na siya sa gitara or piano pero wala pa din akong matutunan. So ayun nga eto ang clearance namin, pahirap sa buhay, imbes na papasarap ka nalang sa buhay dahil recognition na bukas eto ka kinakabahan at natatakot mapahiya sa madlang people. Wala akong talent sa pagkanta! Iniyakan ko na ang dapat iyakan pero walang effect lahat sila gustong makita ang Mary’s downfall. Pumunta na ako sa stage, pumikit muna ako at pagkadilat ko ang daming tao, yung mga bumili nung concert tickets ang dami nila, nang ako ay tumitingin sa madla nahagip ng mga mata ko ang mga pinsan ko na kasama si Kim, nakita ko na nagsmile sa akin si Kim. Supportive cousins. And on the other side, kasama ng mga ibang fourth year andun si Ash. Mukhang hindi ko na kailangan pumili pa ngayon ah. Dahil sila na ang aayaw sa akin, dahil maririnig nila ang pinaka-panget kong boses. Huhu “Good evening to everyone. I’m Mary Zobel and I’m going to sing to you all my all time favorite Taylor Swift song Crazier. I dedicate this song to my best friend, wherever you are I wish you’re listening and smiling at me right now. Anyway I’m no singer so please bear with my voice.” Sky started to play the piano, siya yung accompanist ko at hindi niya kailangan kumanta dahil pwede siyang maging accompanist. Now I hate my childhood days, bakit ako umiyak nung pinagaaral nila ako ng piano at violin? Tuloy kailangan kong mapahiya. ♫ I've never gone with the wind Just let it flow Let it take me where it wants to go Til' you opened the door And there's so much more I'd never seen it before I was tryin' to fly but I couldn't find wings But you came along and changed everything You lift my feet off the ground You spin me around You make me crazier crazier Feels like I'm falling and I I'm lost in your eyes You make me Crazier Crazier Crazier♫ I don't know what gotten to me my tears were falling from my eyes. Is this because this song reminds me of him? ♫ I watched from a distance as you Made life your own Every sky was your own kind of blue And I wanted to know how that would feel And you made it so real You showed me something that I couldn't see You opened my eyes and you made me believe You lift my my feet off the ground You spin me around You make me crazier crazier Feels like I'm falling and I I'm lost in your eyes You make me crazier crazier crazier Ohhhh Baby you showed me what livin' is for I don't wanna hide anymore Oh Ohh You lift my feet off the ground You take me away You make me crazier crazier Feels like I'm falling and I I'm lost in your eyes You make me crazier crazier crazier Crazier Crazier ♫ Nag bow ako sa kanila, walang nagsasalita, ganun ba kapangit ang boses ko? Nasundan ko naman diba yung tempo? Sabi ni Sir basta nasundan mo ang tempo carry na yun, masusundan mo na din ang tono. Pero bakit wala pang pumapalakpak? Ok masyado kang feeler. “Thank you.” I said at pinunasan ko yung luhang pumatak kanina at tumalikod na, wala naman papalakpak eh. But I was surprised because everybody clapped, and they stood up standing ovation? Tinignan ko ulit ang mga madla at nakita ko naman na hindi sila napipilitan, bakit ganun nakakatouch lang. tumingin ako sa mga pinsan ko at nag thumbs up lang sila si Kim naman nakasmile sa akin para bang proud siya. Ganun din si Ash. Pumunta na ako sa likod at sinalubong ako ng yakap ni Sky at Lara at iba pa “Ang galing couz akala ko nag lilip sync ka couz hindi mo boses!” hindi ko alam kung complement ba yan o pangaasar eh. Lumapit si Sir Garcia “Sabi ko sayo kaya mo, ayaw mo kasing maniwala sa akin.” Sabi niya sabay nakipag high five sa akin “SIR!” niyakap ko na siya “Hindi ako napahiya hahaha. Anong ginawa mo sir? May kumanta ba sa likod?” promise hindi ako makapaniwala. “That’s you. Sabi ko sayo diba, put your heart into your singing at makukuha mo ang tono nito, follow the tempo and kuha mo na. So good job Mary see you sa June at make sure no more excuses to go to the clinic.” Sabi ni Sir. Nasabi ko na ba sainyo na mabait si Sir Garcia? Haha super! Pero eto nasabi ko na ba na ako ang finale nila? Kaya tapos na ang music concert. Hindi parin ako makapaniwala promise. Pero siguro regalo sa akin yun ni Louie miracle kumbaga. Nakasalubong ko naman si Ash naghihintay kasi siya. “Good job.” Sabi niya at sabay about ng isang bouquet ng pink roses alam niya pa din na favorite color ko ang pink. Knuha ko naman “Thanks. Akala ko mapapahiya talaga ako eh.” Sabi ko sa kanya. “Kahit naman mapahiya ka, papalakpak parin ako eh.” Bola niya “Ano tara hatid na kita? O gusto mo kain muna tayo?” pagaaya niya Sasama ba ako? Pero si Kim andito din. At ayun na nga lumapit na ang mga pinsan ko at si Kim, nag congrats ang cousins at si Kim naman nahimik lang tas lumapit siya sa akin at binigyan din ako ng bulaklak pero it’s not roses it was hydrangeas, how did he know my favorite? “You were great up there.” He said. “Thank you.” sabi ko. Nakatingin naman si Ash, at I know alam na niya kung sino si Kim. “Oy kanino galing yang isa?” bigla naman nagsalita si Yannie. “Kuya Ash andito ka pala!” biglang dating ni Sky, remember naging close din siya kay Ash. Lahat kami naging close sa kanya eh. Lumapit si Sky kay Ash “Narinig mo si couz ang galing diba? Haha” tanong niya, among my cousins, si Sky lang ang hindi aware kay Kim dahil matagal siyang nawala. “Ah ou.” Sagot ni Ash “Mary?” pagtawag sa akin ni Ash. “Oy sige na couz sumama ka na.” pagsasabi ni Sky, alam niya sympre na si Ash ang crush ko. “Ah guys sige una na kayo sa bahay, may pupuntahan pa ako eh. Sunod nalang ako. Kim thanks sa flower sabay ka na. Bye guys.” Paalam ko at nakita ko naman na ngumiti nalang si Kim at lumapit na ako kay Ash “Tara?” pagaya ko at umalis na kami. “Bakit mo pinaalis?” “Sino yung Ash?” “Ash, Mary’s first year romance.” Narinig kong sabi ni Kim, sorry Kim. Pero I need to go with Ash kasama mo naman sila Karl eh. At minsan ko lang makita si Ash. I guess I’ve already chose who to pick. |
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.