Magkaribal (Our First Love)
credits to crystalballl
Color Code for the Casts
Crystal Mariano Mary Madrigal Charlie Santos Angelli Tan William Rodriguez Andrew Mariano Classmates' Girls Classmates' Boys |
PrologueI’m his first love.
He’s my first love. But he’s also her first love. We were childhood friends, the two of us. And since then I’ve been having this unrequited love for him. He got himself a girlfriend. Who I totally hate. And then I met her, She suggested that we should break them apart and when that happens then we would become each other’s rival. But the more time we spend together, our friendship grows much differ. Now that they’re over, How can our friendship last, if we were meant to be rivals? In the end, what would weigh more friendship or love? Are we going to stay as Magkaribal? credits to be given to crystalball
|
|
Chapter 1"Ang gwapo talaga niya."
"Crush na crush ko siya." "Akin ka nalang Charlie." Crystal's POV Ayan na naman sila, pinagkakaguluhan na naman nila siya -- ang heartthrob sa campus namin. Hindi ko naman sila masisisi. Napaka-gwapo ba naman niya, gwapo, matalino, mabait, varsity. Kaya sikat na sikat. Si Charlie Andrian Santos -- ang pinagkakaguluhan ng mga babae dito sa campus namin. Sabi nila perfect boyfriend material daw kasi lahat na ng katangian na maganda nasa kanya niya. You couldn't ask for more. Ok ok. Isa din ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Pero iba ako sa kanila kasi sila habol nila yung kagwapohan niya yung labas niyang anyo ako hindi eh. Gusto ko yung inside niya, yung pagiging mabait niya. We were childhood friends back then and he became my first love Nung bata pa nga ako lagi akong nag de-day dream na kami ay ikakasal at magkakapamilya. Nung highschool naman nag susulat ako sa likod ng notebooks ko ng pangalan niya at pangalan ko na may heart o kaya flames or lovers or mash na din. I love him. Magkaibigan kami dati. Hindi ko alam kung anong nangyari siguro dahil na din SIKAT siya at ako ay NO ONE kaya nagkalayo ang loob namin. Pero kahit na ganun I'm still secretly loving him. Walang nakakaalam nun. Ay puro si Charlie na hindi ko pa napapakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Crystal Jane Mariano. Isang second year college student sa North University, wala akong kaibigan, yung close friends yung masasabihan ko ng mga problema ko siguro dahil introvert ako? Ewan ko basta wala akong close. Tahimik lang ako. No boyfriend since birth din ako dahil paano ako magboboyfriend kung nasa iba naman ang puso ko? Kung iba ang mahal ko? At isa pa I'm not beautiful kaya walang nangliligaw sa akin. Sympre sa panahon natin let's admit it, guys want pretty sexy ladies. At hindi ako ganun. Mga lalaki ngayon yung labas palagi ang gusto. That's why masasabi ko lang mas gusto kong mabuhay nung lumanng panahon kasi dati hindi pa ganyan ang mga lalaki. It's not about the outside but the inside pa ang mga lalaki dati. Marunong pang mag appreciate ng kagandahan loob ng mga babae. Naglakad na ako papunta sa classroom ko, hindi ko na inintindi yung mga sigawan ng mga loka lokang babae sa hallway. Para ano pa diba? At isa pa kahit naman magsisigaw sila diyan hindi sila papansinin ni Charlie well babatiin sila pero ayun lang (ang sama ko) Charlie doesn't have a girlfriend never pa siyang nagkaroon ng girlfriend ewan ko nga kung bakit eh pero maganda na din yung wala malay mo may chance pa ako sa kanya. Naramdaman ko naman na may umakbay sa akin at nagulat ako nung tinignan ko kung sino "Charlie." pag bati ko sa kanya. Nag smile siya sa akin na nakakatunaw. "Hey Crystal." pagbati din niya sa akin. "So kamusta ka na?" tanong niya sa akin, first day pala ngayon ng school year. Napansin ko naman na nagbulung-bulungan ang mga loka loka sympre diba nakaakbay yung idol nila? Welll sinabi ko naman sainyo diba childhood friends kami at kahit hindi na kami yung ganun kaclose na naliligo pa kami ng sabay dati sympre bata pa kami nun eh, ok ang relationship namin naman kinakausap parin niya ako. Gulat nga ako kasi same university kami akala ko talaga dun siya sa Beaux Monde Academy also known as the school for the high and mighty. Mayaman sila Charlie at legacy sila dun sa BMA kaya nga nakakagulat na sa isang normal university siya nagaaral diba? Nagusap lang kaming dalawa at nahatid niya na ako sa room ko kaya nag bye na siya sa akin. And after that umupo na ako, nakita ko na naman ang mga dati kong classmates. Lumapit sa akin ang iba dahil nga diba kasama ko si Charlie kanina? Nagtanong lang sila sa akin. Parang hindi pa sila sanay na ganun si Charlie. Pero kinikilig ako. >////< "Balita ko may bago tayong ka-block ah." narinig kong sabi nung isa kong classmate si Amber. "Madadagdagan tayo?" tanong naman ni Irish. Common sense kaya nga ka-block eh "Ou. Narinig ko pa na babae yun kasi diba sa office mga nag eenglish siya ayun she daw at mukhang may kapit." chismis niya, nag wowork kasi siya sa admissions office kaya siguro may nasagap na naman na balita. "Alam mo kung tiga-san yung babae?" "Sa BMA yata." BMA so mayaman nga yung bagong salta. "Ou tiga BMA yun. Napa-talsik dahil may ginawang kalokohan." sabat ni Ralphe, scholar siya kaya nag wowork siya naman sa office of the president. "Kilala mo Ralphe?" tanong ko. Sympre naman chismis din yan. "Nope. Yung tatay nun nagpunta sa office ng president tas ayun nagkwentuhan sila at boom pasok na yung babae." "So spoiled pala yung babae. Naku paano kaya natin pakikisamahan yun?" si Irish Tas nag bell na kaya nagbalikan na sila sa upuan nila at dumating na yung prof namin, pero wala pa namn yung sinasabi nilang ka-block namin. "Good morning. I'm Ms. Valencia and I'll be teaching your Accounta---" napatigil siya kasi napatingin siiya sa labas ng glass door at nakita niya yung nakikita naming lahat yung president may kasamang babae. Nag-kiss yung babae sa president at nagpaalam na ata at umalis na din yung president. Pumasok yung gril sa room na tinitignan lang namin siya and she rolled her eyes. "I assume you're Ms. Madrigal?" tanong nung teacher namin. "Yes. Where can I seat?" sagot naman niya. Sabay may tinuro yung teacher at katabi ko pala siya. Great. Nagresume na uli yung teacher at sinabi niya na introduce daw namin ang mga sarili namin kahit sa upuan nalang. So isa isa kaming nagsalita. Then turn na nung babae tumayo siya "I'm Mary Claire Madrigal, I just transferred here I'm actually from BMA and I'll be here for a short while only." she said at umupo na ulit. Anong meaning niya na short while lang siya dito? Well she's a little off. Kasi first off her style of clothing is really what you may call super fashionista. Napakaganda pa niya. Kaya lang may aura siya na don't be near be bitch and all. Mataray ang aura. Napatingin ako sa kanya kasi she's not listening to our prof she's just using her phone na para bang bored na bored siya. "Don't look at me freak." bigla niyang sinabi sa akin at nag smirk pa siya and I therefore conclude that she's a bitch herself. |
|
Chapter 2Crystal’s POV
It's been weeks since our first day of school at medyo ok naman ang buhay. And our new blockmate? Well sa sobrang taray niya walang lumalapit sa kanya, masyado kasing bitchy ang dating niya. Ayun nga tahimik lang siya sa upuan niya at nagtetext or kung ano man ang ginagawa niya. Magkatabi kami dahil sa surname pero hindi kami naguusap, hindi nga din nagtatanong yan about sa school stuffs. Eto ako ngayon naglalakad papunta sa cafeteria, pero habang naglalakad ako napansin kong may inaakbayan na babae si Charlie kaya napatigil ako sa paglalakad. Nakita ko naman na napansin ako ni Charlie kaya lumapit siya kasama yung babae. “Crystal.” Pagbati niya sa akin. “Si Angelli nga pala girlfriend ko.” Nagulat ako sa sinabi niya, etong babaeng to na kaharap ko girlfriend ni Charlie? “Ange si Crystal, kababata ko.” My world fell. Kababata. “Hello Crystal.” Mahinhin na sinabi ni Angelli, maganda siya, mukhang di makabasag pinggan eto pala ang mga type ni Charlie. “Hi.” And with that kunting kwentuhan lang at umalis na din sila, ugh I hate that girl, hindi ko alam pero ayoko sa kanya, is it because of jealousy or other pa? basta ayoko sa kanya period. Napansin ko naman na may tao sa may likod ng locker, lumingon ako only to see Mary looking at Charlie and Angelli. “What are you looking at?” napansin na din niyang nakatingin ako sa kanya. medyo irritated siya, lagi naman eh. Naglakad na siya papaalis “That bitch. Lahat nalang.” She murmured pero rinig ko pa rin Sinabayan ko siya sa paglalakad “Do you like Charlie?” Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin ng masama “So what?” “Girlfriend niya yun.” “So? I can still get him. Ikaw gusto mo din siya ano? Yung tingin mo dun sa impokritang babaeng yun parang papatayin mo siya.” Natawa naman ako sa kanya kasi she sounded so bitter yet so funny. “I love him.” Sabi ko sa kanya. “Pero may girlfriend na eh.” “SO?” taas kilay niya nun. “Pwede pa naman agawin eh.” She said. naglalakad lang kami at naguusap ewan ko ba pero ok lang na sabihin sa kanya na mahal ko nga si Charlie. “Home wrecker?” “Duh there’s no home yet so paanong naging home wrecker eh hindi pa magasawa?” sabi niya. “Kahit na ganun parin yun.” Sabi ko “Pero I hate that Angelli.” “Let’s have a deal, pag break-in natin sila then pag break na then may the best gal win.” She said. Nagulat naman ako. Pero that idea sounded good. “Paano naman natin gagawin yun?” I asked. Naupo na kami ngayon dito sa isang table sa cafeteria. “Akitin natin si Charlie.” She smiled, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. “Ikaw kaya mo, ang sexy sexy mo eh ako?” I said, kasi wala naman kaming uniform kaya makikita mo talagang sexy siya, kasi sophisticated na sophisticated ang itsura niya, anak mayaman nga talaga. “Kaya nga may tinatawag na make over eh.” Sabi niya “Ano payag ka na? Dali it’ll be easy pag dalawa tayo.” She said. Then biglang dumating si Charlie kasama si Angelli, bawal bang maghiwalay naman sila? “Pwedeng makiupo?” tanong ni Charlie. “Sure.” Umupo sila ni Angelli, si Charlie nakatingin kay Mary don’t tell me naakit na siya? “Ah Charlie si Mary, ka-block ko.” “I…nice to meet you Mary.” Bakit parang nauutal si Charlie? Anong I? Kanina nakangiti si Mary but her face fell. “Nice to meet you.” sabi niya tumayo na din siya “Crystal mauna na ako, think about what I said.” sabi niya at naglakad na nakatingin lang ako “He didn’t even recognize me.” I heard her say that before she left pero ewan ko. “Mary, payag ako.” I smiled at napatigil siya sa paglalakad at lumingon uli sa akin at nagsmile siya “Good. Meet me later after school sa parking lot.” She said at umalis na. Hindi na din siya bumalik sa klase namin after break ewan ko kung nasaan siya. Pero ewan ko bakit napapayag ako pero ok na din yun I hate Angelli, kung meron love at first sight meron namang hate at first sight. “Ganun pala ang type ni Charlie ano? Ang hinhin masyado.” Sabi ni Amber kay Irish “Ou nga eh. In fairness maganda ang kutis pero parang ewan hindi ko siya feel.” Si Irish hindi lang pala ako ang may ayaw kay Angelli eh. “Crystal balita ko kasama mo kanina si Mary?” napatingin sila sa akin “Ahh ou, hindi siya bitchy kanina.” Sabi ko “Hay naku mamaya kung anong gawin sayo nun stay away.” After school pumunta na ako sa parking lot, nakita ko si Mary nagtetext nakasunglasses pa talaga wala ng araw eh. Palapit na ako pero napansin kong naglakad papunta si Charlie kay Mary na nakasandal sa kotse niya at nagcecellphone. Hinawakan ni Charlie si Mary sa braso at nagulat si Mary. Nagusap sila pero halatang agitated si Mary kay Charlie. Akala ko ba gusto niya si Charlie pero bakit parang irita siya ngayon. Umalis na si Charlie at si Mary naiwan na inis na inis dun kulang nalang sipain yung gulong, lumapit na ako. “Oy si Charlie ba yun?” “Ah ou. Bwisit yun akala niya naman ahhh epal.” Sabi niya at sumakay na sa loob ng kotse. “Aren’t you coming in?” sabi niya kaya sumakay na din ako, katabi ko siya. Nag tetext lang siya. May driver kasi siya eh “Take us to the mall.” Sabi niya sa driver niya. “Hindi ka ba napapagod magtext?” I asked. Napatingin siya sa akin “Hindi ako nagtetext, I’m playing. My friends don’t do texting if that’s what you call them” Ayun we went to the mall at binili niya ako ng mga damit na ewan ko kung magkano, basta mukhang mahal at nagpunta kami sa salon at pinakulot niya yung buhok ko. Nakakapagod pero naenjoy ko kasi si Mary nakakatawang kasama. I therefore conclude that she’s not really a bitch she’s just trying to be one. |
|
Chapter 3Crystal’s POV
What is wrong with the world? Ayan ang unang pumasok sa isip ko pagpasok ko sa school the very next day after the makeover. Lahat sila tumitingin sa akin, para bang nakakita ng ewan, basta iba yung tingin nila, dati naman walang pumapansin sa akin pero ngayon? Pero ano ba yan? Naka-pants parin naman ako ah tulad ng dati pero bakit iba yung mga tingin nila? Ok I admit it, masyadong madaming nagbago siguro sa akin. Una sa buhok ko, Mary decided na maging kulot ako, kahit naman na kulot na talaga ang buhok ko, kaso super haba ng buhok ko dati para bang mangkukulam na buhok ganun dati yung pagkakulot ko, then ginupitan nila yung buhok ko at inayos yung curl ng buhok ko. Kaso hindi nagustuhan ni Mary kaya pina-straight niya yung buhok ko at after naging straight, ginawa namang wavy. Kinulayan din ito. Then sa mga damit naman, binili ako ni Mary ng mga damit na classy? Basta may mga dress, pants, blouses and all. Complete. She changed my whole wardrobe. Then makeup binili niya ako at tinuruan akong maglagay pero sabi niya dapat light lang para hindi ako mag mukhang pok2x. And so bago pumasok nagayos ako sa sarili ko, nag suot ako ng black fitted pants, then baby pink na blouse at white jacket. Tas nagsuot ako ng bracelet and high heels. So now what’s wrong with the world? porket ba nag makeover ako kailangan ng pagtinginan ng mga tao? Dati wala silang pake sa akin pero ngayon meron na? Really now. And then napansin kong may tumabi sa akin, tinignan ko only to see Mary, kahit anong makeover ko mas maganda parin talaga si Mary, she took her sun glasses off and she smiled at me “You look good.” Puri niya sa akin. Naglakad lang kami haggang makasalubong namin si Charlie with Angelli. Nakita kong nagulat si Charlie sa bagong ako at in my peripheral vision I saw how Mary smirked. Lumapit sa amin sila Charlie “Crystal, wow.” Ewan ko kung compliment or what. Tas tinignan niya si Mary na tinignan ko din at binigyan lang niya si Charlie ng isang smirk at taas na kilay. Kaya umiwas si Charlie at tumingin ulit sa akin “What changed?” “Ah, wala lang gusto ko lang magayos, mukha naman kasi akong manang sa mga suot ko. How can I entertain my suitors diba?” sabi ko, ganyan ang tinuro sa akin ni Mary, dapat daw pag nagtanong si Charlie kung bakit nag makeover ako, always say na to entertain suitors. “Ikaw ah. Nagdadalaga ka na.” pabiro niyang sabi “Dati pa ako talaga ngayon ko lang naisipan mag ayos.” Sabi ko at nag smile na nakakaakit, hindi ko alam na kaya ko pala na mag smile ng ganun lalo na sa harap ni Charlie pero eto yung gusto namin ni Mary, akitin si Charlie haggang mag break sila ni Angelli. “Crystal we have to go, may class pa tayo.” Sabat ni Mary “Bye Charlie.” Sabi niya at nauna ng maglakad kaya sumunod nalang ako at nagsmile nalang kay Charlie, nung kasabay ko na si Mary, huminto naman siya at nilingon yung dalawa na nakatayo parin “Oh where are my manners, hey there Ange I didn’t see you kasi. But anyway bye you two.” She said na nakangiti pa na para bang may ibang meaning yung sinabi niya nagkalaad na ulit siya. Wait Ange? Close sila? Or FC lang “Bye Claire!” nagulat ako pero hindi naman tumigil si Mary and I saw her grin. Wala talaga akong naiintindihan minsan. Simula kahapon there’s been this puzzle sa utak ko, bakit biglang nagka-girlfriend si Charlie, wala namang balita na may nililigawan siya, bakit nung nakita ni Charlie si Mary parang may iba sa kanya, anong pinagusapan nila sa parking lot, talaga bang gusto ni Mary si Charlie, anong meron bakit Claire ang tinawag ni Angelli kay Mary. Oh diba ang daming tanong. Pag dating namin sa classroom lahat ay gulat. Umupo na si Mary sa upuan niya, ganun din ako “May party yung isa sa ka-team ni Charlie later. We’ll be going there.” Sabi ni Mary “Invited tayo?” I asked. Tumingin sa akin si Mary at tumawa ng malakas “You’re so funny Crystal.” She said habang pinipilit na wag tumawa kasi nawawala yung poise niya. Tumingin din kasi yung iba sa amin “Anong nakakatawa sa tanong ko?” “May kilala ka ba sa football team?” tanong niya bigla. “Si Charlie.” “So now let me ask you paano tayo magiging invited?” “Ewan ko sayo. Ikaw pa, baka inakit mo.” Tumawa ulit siya “Crystal, what made you think na inakit ko? Grabe ka naman. Hindi naman ako slut. Anyway hindi tayo invited, party crashers.” She said ou nga naman hindi siya isang pok2x pero well she’s you know, para bang madaming maaakit. “Hindi ba nakakahiya yun?” “Don't worry dear, kilala ko may-ari nung bar kaya pwede tayong pumasok, nandun si Charlie pero yung impokritang Angelli wala dun.” She assured me. Paano niya ba nalalaman yung mga yun? “Paanong wala si Angelli eh nandun si Charlie?” I asked. “May alam ka ba tungkol sa babaeng yun?” she asked amused na amused pa siya “Well parang wala so let me tell you this, si Angelli ay isang ballerina.” Well hindi na ako magtataka kung bakit ang payat niya pero really ballerina? Ano siya grade school. “So everyday may practice sila lalo na ngayn na I asked tito to let the school ballet club to perform Swan Lake.” She said. Really. Yung mga nagagawa ni Mary kakaiba. “Leading role si Ange, kahit ayoko siyang maging lead role pero well magaling naman siya at maganda na yung palagi siyang busy para magawa natin yung plano natin.” She said Magsasalita na sana ako kaso biglang tumunog yung phone ni Mary at nakita ko kung paano nawala yung ngiti niya at napalitan ng frown, halatang inis siya, “Excuse me.” Sabi niya at tumayo siya at lumabas. And yung paglabas niya ang cue ng mga chismosa kong classmate na kausapin ako haggang wala si Mary, remember ayaw nila kay Mary. “Bakit kayo naguusap ni Mary?” “Sabi na nga ba yung pagsama niya sayo kahapon eh may gagawin siya sayo eh.” “Wow ang ganda natin ngayon Crystal ah.” “Pero hindi nga friends kayo?” Tinignan ko lang sila “Err… hindi kami magkaibigan pero ewan ko kung ano kami. Pero guys mabait naman pala siya at she’s a good company.” “We can see that, ang lakas pa nga ng tawa niya eh.” “Try kaya nating gawing friends din like Crystal.” “Ou nga i-welcome na natin sa block.” “Sige gawin natin niyan mama…..” naputol na sabi ni Ralphe kasi we heard Mary shout over sa kausap niya sa phone niya “WHY DO YOU CARE UH? WHY DON’T YOU GO TO YOUR GIRLFRIEND AND DANCE YOUR WAY AROUND AGAIN. UGH I HATE YOU.” she yelled tinignan ko kung saan siya nakatingin habang may kausap and nakita ko si Charlie, nasa kabilang side may hawak din na phone na para bang may kausap. Pero iba kasi yung mukha ni Charlie naka-ngiti pa. “WHY WOULD I GET JEALOUS? IT’S NOT LIKE I’M IN LOVE WITH YOU” Tas binaba na niya yung phone at pumasok na lahat ng classmate ko nagsi dispersed na, umupo si Mary at I can feel na she’s still pissed. Napatingin ako sa labas at kay Charlie, yung ngiti niya kanina wala na, halatang inis na din siya. Sila ba yung magkausap? Or coincidence lang na parehas silang may kausap? Pero they were looking at each other kahit nasa magkabilang dulo sila. Mary rested her head sa desk niya at she started mumbling something like this “You’re gonna pay for this.” She said, may sinabi pa siya sa huli but hindi ko na narinig because of the bell. * Nung nag-uwian na medyo ayos na din si Mary, at ngayon andito kami sa bahay este mansion nila. Napakalaki ng bahay, ang taas taas ng gate tas pag pasok mo sa gate, hindi pa yun yung mismong tapat ng bahay, may mga 1km away pa yung mansion at yung driveway papunta dun ay puno ng puno at may mga statue din. Basta napakaganda ng bahay nila. Pumasok kami sa loob at nganga. Ang laki laki, may grand staircase pa talaga. Umakyat kami at may pinasukan kaming kwarto, ang laki din, first floor lang ata ng bahay namin yung kwarto niya eh. Then may pinindot siya na remote and viola, a walk-in closet pumasok kami at akala mo nasa isa kang department store sa sobrang daming damit, nag pindot uli siya, at nagbukas yung isa pang pinto, mga shoes naman yung nandun napakarami. Kumuha siya ng mga damit at ng mga sapatos. Then bigla niyang binigay sa akin. “Magka-size lang tayo so go take a bath then change into that. You have a party to go to.” She said at umalis na siya dun sa walk-in closet At nung pagalis niya at ang pagpasok ng isang maid “Ma’am this way po.” At lumabas kami ng kwarto ni Mary, si Mary nakita kong pumasok pa sa isang pinto sa loob ng kwarto niya, ang daming pinto naman nun. “Dito na po kayo maligo at magpalit. Nakahanda na po yung bathtub.” She said at pinapasok niya ako sa isang kwarto. Sinunod ko naman yung maid, naligo na ako, at nagpalit sa binigay na damit ni Mary. Ang sexy kong tignan grabe. After that pumasok ulit kami nung maid sa kwarto ni Mary, only to see her wearing a long black tube dress, ang sexy niya at ang ganda talaga niya. Naglalagay siya ang earrings nung pumasok kami. Pero bakit ganun? Why is she wearing a long dress? At mukhang formal na formal siya pero ako casual na off shoulder black dress lang? “Oh there you are. My driver will escort you to Grounds.” Sabi niya Grounds ayan yung isang sikat na bar dito. Pang mga mayayaman lang talaga. “Ako lang?” I asked. “Yes, may last minute kasing event na kailangan kong puntahan. Anyway hindi din makakapunta si Charlie ayan yung sabi sa akin ng source ko, ewan ko kung bakit.” Ou nga pala anak mayaman kaya sympre kailangan kung anong event ng mga mayayaman nandun siya kaya pala ang formal niya masyado. “Teka kung wala si Charlie bakit pa ako pupunta?” tanong ko kasi diba plan namin na akitin si Charlie paano ko siya aakitin kung wala siya? “You don’t need Charlie. Pupunta ka dun para makipagkilala sa ibang tao. Sa mga boys, especially the football team. Kailangan maka-bingwit ka ng isang ka-team ni Charlie, para if may mga party ulit sila we don’t need to use the backdoor access.” She explained tama nga naman siya, wala kaming kilala sa varsity except kay Charlie. So her plan is for us to get in to the inner circle. Pero feeling ko naman kayang kaya niya, with her background diba? “Wait. You mean I have to flirt with one guy?” I asked “Duh.” “Eh ikaw paano ka?” “Madali nalang makabingwit ng lalaki, kahit sa school lang kayang kaya ko na, pero ikaw mahiyain ka masyado kaya I’m sure hindi mo kaya. So sa party na to ikaw kukuha ng lalaki, don’t worry may mask daw kaya they won’t know you unless nagpakilala ka na.” she said while looking at herself in the mirror then nag ring yung phone niya “You…” turo niya sa maid “Escort her to my car. Alam na ng driver ko kung saan kayo pupunta and sa Grounds may magaabang sayo sa labas, his name is Rico siya magpapasok sayo sa loob ok? Sige na bye and good luck fishing.” She said Umalis na kami. Takte kinakahaban ako. Kaya ko kaya tong makipag flirt? Kakayanin. Para lang mawala sa landas ko si Angelli! Ako na gumawa ng Chapter 3. :) I changed many things sa story flow ni Crystalball dahil may mas naisip ako. And pumayag naman siya. :)
|
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.