Special Chapter 0.1 - My Second Love and First Heartbreak
September 24,2007
Hindi daw mawawala sa highschool life yung pagkakaroon mo ng love life. Dahil ayun daw yung pinaka-masaya pati na din yung pagkakaroon mo ng barkada. Ewan ko ba pero gusto ko yung idea ng love. Nung nasa elementary palang ako, panay crush lang yun at mas madami yung nagkaka-crush sa akin. Ang yabang ko lang pero ou nga ang daming nagtatapat sa akin dati, sino ba naman ang hindi magtatapat sa isang magandang tulad ko? Pero wala sila dahil hindi ko type ang mga kabatch ko gusto ko higer level. Pero exception dun si Den. Anyway first year na ako ngayon, at tahimik lang ako sa classroom namin paano ba naman yung mga classmate ko dati sa elementary kunti lang dito ngayon sa setion namin at ako lang yung nagiisang babae, mahirap pa naman akong makihalubilo sa iba, tuloy sa mga lalaki ako napapasama. Hindi din nagtagal at nagkaroon na ako ng mga babaeng kaibigan, at yung super close ko sa kanila ay sila Cecille at Sky. Sky is my cousin na nagtransfer para makasama ako dahil nga mukha akong loner dati, siya din yung nagbigay daan para maging friends kami ni Cecille. "Cel, Sky, punta tayo library?" tanong ko sa kanila. May book review kasi kami sa English class namin at kailangan yung book na babasahin namin nasa library at mga classics lang pwede. Matagal pa naman ang pasahan ng paper pero kasi mas gusto ko yung tapos ko na para wala na akong gagawin at para mataas ang grade ko at ma-maintain ko yung sa honors. GC kasi ako. So ayun nag punta kami sa library, dala dala ko yung English notebook ko pati yung slambook ko, ibibigay ko kasi kay Kuya Dave yun, crush ko na second year, ang tagal ko na din naging crush yun, siya yung ginawa kong scapegoat nung nalaman ng buong classroom dati nung grade six kami na crush ko si Den. Si Sky yung magpapasulat makapal kasi mukha niya. Nagpunta na ako sa classic section na nasa may dulo ng library yung pinaka-dulo at wala masyadong nagpupunta dito, sila Cecille naman ay nandun sa may couch at tinitignan yung mga yearbook. Madaming libro dito sa library sympre library nga eh, I mean yung classics madaming books kasi may four book shelves. Pumunta na ako dun sa fourth na bookshelves andun si Jane Eyre eh tinago ko na doon kasi may nakakuha na sa isang copy kaya isa nalang natitira. Pagpunta ko dun, may nakita akong tao, nakaupo siya sa sahig habang may libro sa mukha niya siguro tulog to. Ang galing ng tulugan niya ah, library, pero magaling nga walang taong makakakita at pinakamalamig na part ng library to. Hindi ko nalang siya pinansin at humakbang na ako at hinanap yung tinago ko pero to my dismay wala dun, napatingin ulit ako sa lalaki at malapitan nakita ko yung libro ko! Pinangtakip niya! "Hindi naman to siguro magigising no?" kausap ko ang sarili ko. Kumuha ako ng isang libro, kukunin ko kasi yung nasa mukha niya, papalitan ko nalang ng iba, paano pag may laway? Yuck... Lumapit na ako sa kanya. "Kuya, wag kang gigising." dahan dahan kong kinuha yung libro, pero ang hirap pala. Medyo nakukuha ko na pero nawala yung attensyon ko dahil napatingin ako sa mukha ni kuyang tulog, ang gwapo niya, pero mukha siyang pagod na pagod. Ang gwapo niya talaga, para bang prinsipe. Sleeping prince. Nagulat nalang ako at biglang dumilat yung mata niya kaya nabagsak ulit sa mukha niya si Jane Eyre. Siguro dahil na din sa adrenaline rush ang bilis kong nakapunta sa kabilang dulo ng mga bookshelves. "Ouch." ayan yung narinig ko bago siya tumayo nagtago na din ako para hindi niya ako makita, napansin kong may hinahanap siya, siguro ako. Tas yumuko siya at may kinuha sa lapag, yung slambook ko! Napatingin ako sa kamay ko, notebook nalang natira pati yung kinuha kong Pride and Prejudice. Patay. Umalis na din si Sleeping Prince at umalis na din ako. Pumunta kayla Sky na busyng busy. After that nagpunta na kami sa classroom, hindi ako makapakale kasi yung slambook ko pati gusto kong makita uli si kuya. Nung lunch na dali dali akong pumunta sa library buti nalang at ito ang pinili kong club, Bookworm Club aka mga assistant ng librarian. Ito kasi yung pinakamadaling club eh, sabi ng adviser namin lalo na sa mga honors dapat kunin namin club ay yung mga Math, Science, at sympre ang Diadem. Mas malaki ang extra-co pag Diadem pero mahirap din kasi yan hindi tulad ng mga club na twice every month lang ang meeting eto pahirapan dahil dalawang issue kada buwan ang kailangan nilang ilathala. Kaya ayoko. Nag bookworm ako. So eto nga nandito ako magisa sa library, sinabi ko sa librarian na mag duduty ako ngayon, so nagpunta na ako dun sa may counter sa malapit sa pinto para kunin yung mga logs ng mga pumapasok at lumalabas. Pasimple kong hinanap si kuyang tulog kaso hindi ko talaga alam yung name niya. "Excuse me, pwede pa-sign?" Pagkatingin ko dun sa nagsalita, nagulat ako kasi siya yung kanina! hawak hawak niya yung Jane Eyre at yung slambook ko! Dahan dahan kong binigay yung log sheet. Nagsulat siya ng pangalan at pasimple kong tinitignan pero hindi ko parin makita mamaya nalang pag wala na siya. "Ash Torres." nagulat nalang ako at sinabi niya yung pangalan niya at inabot niya yung kamay niya for shakehand? "Ikaw si Sky Gomez?" Ha? Ay ou nga pala hindi pala ako nauna magsulat sa slambook ko si Sky haha. Hindi ako makapag salita. In shock. "Actually I'm--" "Mary kanina ka pa hinahanap ng yaya mo sa baba yung lunch mo." sinabi ni Rina pagkapasok na pagkapasok niya ng library. I forgot na dinadalhan pala ako ng lunch at hinihintay akong matapos ng yaya ko. Tumakbo na ako kasi nga 15 minutes nalang time na at hindi na talaga ako nakakain. Pero ok lang kasi nalaman ko pangalan niya tas nakausap ko pa siya. Masaya na ako. Science time nung may kumatok sa classroom namin, tatlong lalaki ata. "Excuse me sir can I excuse Miss Mary?" nagulat ako kasi si Ash yung nagsalita. Napatingin siya sa akin at nagsmile. Nag-ayieee yung mga classmate ko, si Sir Jay naman natawa pa "Mary sige na labas na. Torres alaga ko yang si Mary, bata pa yan!" Lumabas ako ng classroom na nakayuko hindi pinasara ni Sir yung pinto para daw makita ako. "Yung slambook mo at yung libro." pagaabot niya. "Ah thank you pero baka kailangan mo yung libro." mahinhin kong sabi sa kanya. "Hindi pinangtakip ko lang talaga yan." sabi niya. "Here." Kinuha ko na "Thank you." "You're welcome Mary." he smiled. Yung smile na nakakamatay! Pwede na akong mamatay. "Let's be friends." Siguro pulang pula na ako sa harap niya. Crush ko na talaga siya. I just smiled at him "Pasok na Mary," sigaw ni Sir Jay. "Bye." I said. Pumasok na ako ng classroom at nag-ayiiiee na naman sila, pagkaupo ko napatingin ako sa pinto namin na may salamin, nandun pa sila tas kumaway pa si Ash. Ako na kinikilig. I really like Ash. |
Special Chapter 0.2 - My Second Love and First Heartbreak
Masaya ako.
Simula nung araw na nakita ko si Ash sa library, na-enjoy ko yung high school life ko, masaya talaga ako kasi mabait naman si Ash, at pinsan siya nung classmate ko kaya medyo close na din kami. Sumali din siya sa pageant na sinasalihan ko yung Mr. and Ms. St. Peter, kaya talagang naging close kami pero nahihiya parin ako sa kanya sympre crush ko siya at hindi ko mapigilan yung pagbablush ko every time na mag-iismile siya or basta. Minsan nga iniisip ko kaya siya sumali sa pageant kasi kasali ako, sympre naman June pa nung pinakilala kaming lahat sa stage at nag July at nag first canvassing na pero siya humabol pa siya. Medyo ok din na kasali siya kasi, sa section ko ako lang representative namin kaya wala akong partner ganun din siya kasi lalaki din yung isang representative. Kaya partner kami. Masaya pa kasi United Nation na! At partner ko siya! Oh diba ang saya lang! Once in a lifetime lang to. Andito kami sa gym para sa practice ng UN, wala pa kaming countries ngayon ang bunutan. Kinakabahan nga ako eh. "Good morning guys, today we're going to pick the country that you will be representing, bunutan ang magiging basis ng pagpili para mas fair. So let's start sa first year." pag eexplain ni Ms. Rosario siya yung English teacher ko na adviser ng kuya ko. "Mary ikaw na bumunot sa atin." Ash said at nag smile pa. Teka talaga bang partner ko siya? Nag taas ng kamay si Ate Autumn "Ms. by partner po ba?" tanong niya. "Yes Autumn partner partner. So that means partner mo na diba si Carlo so Torres partner mo si Mary ok?" sabi ni Ms. Rosario "Let's start with St. Ruth.” Tumayo na si Johan at bumunot kinuha ni Ms. “USA.” Sayang gusto ko pa naman yun kasi maputi ako haha. Pero basta wag lang mapunta sa akin ang South Africa, Indonesia, Philippines ok na ako sa lahat! "St. Phillip." ako na. So bumunot na ako, bubuksan ko na sana kaso pinitik ni Ms yung kamay ko kasi siya dapat ang bubunot pa suspense pa eh "France." sabi niya. Lumapit na ako kay Ash at nagsmile lang siya sa akin. Nag blush naman ako. So ayun nag bunutan lang ng countries. Practice again. * Birthday party ngayon ng pinsan ni Ash si Judie kaya nandito siya. Nandito kami sa rooftop nila at nag sasaya tahimik lang ako sympre hindi naman ako nakikihalubilo masyado sa tao eh. Kaya lang ako sumama kasi nandito si Ash haha joke. Kausap ko si Ash ngayon. Tas ngayon eto kami sa inuman table, sympre hindi ako pwede yan kasi bata pa ako hindi kasi may trust si mama sa akin at ayaw kong mawala yun bigla bigla. "KJ ni Mary talaga" sabi nila sa akin panguna si Rachelle. "Ako nalang iinom nung sa kanya." nagulat naman ako kay Ash napatingin ako sa kanya at nagsmile lang siya "Bawal ka talaga yan, bukas na ang UN baka mapano ka." he said at pinitik niya yung nose ko. Grabe the more he show me sweetness lalo akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko alam pero napakasaya ko talaga pag siya ang kasama ko. And I really think I'm starting to fall for him. Kinabukasan, walang pasok ang mga kasali sa UN at mamaya pang hapon kami papasok. Inayusan na ako ng bakla, siya din yung nag ayos sa akin nung sumali ako nung grade 5 ako, sumali ulit ako kasi ako yung pinili ng mga classmates ko at tsaka sabi ni mama ngayon ako yung mananalo, kasi dati first runner up lang ako kasi si mama hindi naghulog nung last canvassing, adviser ko kasi sinabi na 40K ang ihulog eh sympre si mama kuripot haha. Nag beep yung phone ko. [From: My Sleeping Prince ^_^] See you later Ms. France. Kaya natin to. We'll win ok? Ingat. Kinilig ako. At ayun nag start na kaming rumampa at maayos naman ang lahat, nag talent portion na at lahat lahat, French Minuet sasayaw kami ni Ash, alam niyo ba habang practice hiyang hiya ako kasi hindi ako marunong sumayaw pero nag tiis siya sa akin. Nakatayo kami ngayon sa stage, tatawagin na nila yung mga kasali sa top 5 boys ang girls. "Ms. USA. Mr. United Kingdom. Ms. Cambodia, Mr. Italy Ms. Italy, Mr. France, Ms. Brazil, Mr. Germany Ms. France and Mr. USA." Pheww.. kasali ako sa top ten dalawa kami ni Ash kasali pa! Then awarding na. Ang ganda ng sagot ko sa tanong nila haha. World peace. Pinanuod ko kasi ang Ms. Congeniality at ayun mga sagot nila. Pero pinahaba ko sympre. "For best in costume please step forward to Mr. Italy and Ms. Italy." "For best in talent Mr. and Ms France please step forward." Oh my gulay best in talent ako! Nadala ni Ash ang galing galing lang! Yes first time! And guess what we won Mr and Ms United Nation. * Ou aaminin ko na I love Ash, lagi kasi siyang andiyan para sa akin, hindi siya nawala sa araw araw ko sa school. At napaka-sweet niya. Homeroom namin ngayon at may pinapasulat lang yung advider namin, kaya eto gulo gulo yung upuan, si Rachelle tumabi sa akin. "Mary crush mo pa ba din ba si Ash?" nagulat ako sa tanong niya kasi alam nilang lahat na crush ko si Ash halata naman kasi eh. Si Ash kaya alam niya? I nodded. "Mary diba kaibigan naman kita? At hindi ka magagalit sa akin?" Tumingin na ako sa kanya. "Ou naman bakit ba?" "Promise? Ayoko kasi sa iba mo pa marinig eh. Pero kami na ni Ash." Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Rachelle para bang tinusok yung puso ko, ngayon ko lang to naramdaman yung sakit ba na yung mahal mo may ibang gusto. Ang sakit. Nag smile ako kay Rachelle "Ok lang ano ka ba. Crush lang naman eh." I lied paanong ok? "Kailan pa siya nangligaw?" I asked kasi he never told me anything. "Last week lang. Actually naging close kami after niya akong hinadtid sa bahay nung birthday ni Judie." pagkukwento niya lasing siya nun eh, dapat pala nagpakalasing nalang ako para ako yung inadtid niya. Para hindi sila naging close. I smiled again "Congrats." sabi ko "Teka Chell cr lang ako." umalis ako at nagpunta sa cr at dun ko nilabas yung pag iyak ko, ang sakit sakit kasi umsa ako eh, nag assume ako na pwedeng ako yung magustuhan niya pero hindi eh. I feel so stupid. I feel so hurt. I feel so betrayed. Medyo dumami din ang rumors about them, at nung isang umagang pumasok ako, sila Pee yung lumapit sa akin. Ramdam ko pa yung sakit nun. Nag iwas din ako kay Ash. "Mary alam mo ba yung chismis sa buong second year? Ikaw pala yung gusto ni Ash pero nahiya siya sayo kasi parang basted na daw agad siya pag naging ikaw kasi nga masyado kang role model." Ayoko mag assume, dahil masakit kasi kung gusto niya talaga ako diba paglalaban niya yun? Bakit ganun bakit kaibigan ko pa? Ang sakit eh. Maganda naman ako ah? Ano bang mali sa akin? Ang sakit isipin na kaya ayaw niya sa akin ay dahil masyado akong santa. Pero by that time I changed. Nawala yung mahinhin na babae, nawala yung unang Mary na nakilala niya. I changed myself. Mas nakisama na ako sa trip ng klase. Hindi ko na din siya pinansin, masakit pa kasi eh. He might be my second love but he sure is my first heartbreak. Ayan ang story ni Ash and Mary. Masyadong nasaktan si Mary sa pangyayaring yan hindi niya lubos akalain na dapat pala wag siyang mahuhulog bigla bigla. That's why she learned not to fall easily hindi porket may motives bibigyan mo na ng malisya baka tulad lang ni Ash na sadyang sweet. I can say that because of what happened Mary changed, not for the worst but for the best. The prim and proper Mary was gone and the carefree Mary said hello. For me mas gusto ko yung Mary ngayon so I still thank Ash.
|
Copyright © 2012 by uknowulovemary
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.